Pokwang ayaw pa ring sukuan ang pag-ibig: 'Hindi ko isinasara ang chururut, huwag ganu'n kasi may plano pa si God na maganda' | Bandera

Pokwang ayaw pa ring sukuan ang pag-ibig: ‘Hindi ko isinasara ang chururut, huwag ganu’n kasi may plano pa si God na maganda’

Ervin Santiago - July 13, 2023 - 06:25 AM

Pokwang ayaw pa ring sukuan ang pag-ibig: 'Hindi ko isinasara ang chururut, huwag ganu'n kasi may plano pa si God na maganda'

Pokwang

KUNG may isang malupet at pangmalakasang aral na natutunan si Pokwang pagdating sa pakikipagrelasyon, yan ay ang huwag ibigay ang lahat-lahat.

Ayon kay Pokie, hindi talaga uubra sa isang relationship na bigay ka lang nang bigay dahil ang mangyayari raw ay mauubos at mauubos ka hanggang wala nang matira sa sarili mo.

Kung hindi kami nagkakamali, isang taon na ngayong July mula nang bumandera ang chikang hiwalay na si Pokwang sa dati niyang live-in partner, ang American actor na si Lee O’Brian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kaya naman sa bagong vlog ng TV host-actor na si Luis Manzano, ay muling napag-usapan ang mga leksyon na natutunan niya sa hiwalayan nila ng ama ng kanyang anak na si Malia.

Inamin ng komedyana na itinodo raw niya ang kanyang pagmamahal at lahat ng panahon kay Lee pero sa huli ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pag-iibigan.

Kaya naman ang advice ni Pokie sa lahat ng kababaihan, hangga’t maaari ay  huwag ibigay ang lahat-lahat at matutong magtira para sa sarili.

Baka Bet Mo: Alden maraming nadiskubre kay Julia: Kapag kasama ko siya it feels like I can be my raw self, may ganu’n siyang vibe’

“Huwag masyadong ano, ‘I give my all,’ huwag, hindi rin maganda. Kailangan anuhin mo rin… balanse. Dapat balance lang lahat.

“Kasi kapag lahat give my all ka, ayan, tingnan mo anong nangyari. ‘I give my all,’ e. Dapat hindi pala ganu’n,” mariing sabi ng TV host at aktres.

Sa tanong ni Luis sa komedyana kung ready na na siyang magnahal at magkadyowa uli, sagot ni Pokie, “Hindi kasi yan ang priority ko ngayon. Siguro tama na muna.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Pero hindi ko isinasara ang chururut, ang puso, huwag ganu’n kasi may plano pa si God na maganda, e. So, hayaan mo lang siya diyan.

“So, magtatatrabaho lang muna ako nang magtatrabaho at mas focus sa negosyo namin at sa mga anak ko. Pero kapag may dumating, e, di…pero I’ll make sure na galing kay God,” aniya pa.

Sey pa ni Pokwang, kung may dumating na bagong pag-ibig, ituturing niya itong  blessing para sa kanya at sa mga anak niyang sina Mae at Malia.

“Yun ang importante kasi babae po ang mga anak ko,” sabi pa ni Pokie.

Xander Ford iginiit na dapat lang ibigay sa kanya P349k ni Makagwapo: Utang ‘yun!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Daniel gamay na gamay na ang tambalan nila ni Kathryn: Meron kasing magic sa totoong pagmamahal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending