Joey binatikos ng fans ng Showtime: 'Sana po iwas-iwasan n'yo na magparinig, nakakawala po ng respeto' | Bandera

Joey binatikos ng fans ng Showtime: ‘Sana po iwas-iwasan n’yo na magparinig, nakakawala po ng respeto’

Alex Brosas - July 05, 2023 - 07:15 AM

Joey binatikos ng fans ng Showtime: 'Sana po iwas-iwasan n'yo na magparinig, nakakawala po ng respeto'

Vice Ganda at Joey de Leon

NA-BASH nang husto ang comedian-host na si Joey de Leon nang mag-post siya sa kanyang official Instagram page recently.

Okay na sana ang post ni Joey na photo niya kasama ang ilang Dabarkads pero medyo na-off lang ang kanyang followers sa kanyang caption as they took it to mean that he took a swipe at Vice Ganda of “Its Showtime”.

“Ganito kaliit lang ang studio namin sa TV5, parang elevator pero 1,000 floors naman ang taas ng ibinigay nyong pagpansin sa amin…lagpas helicopter!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


That was his caption sa kanyang photo which seemingly enraged some of his IG followers.

Ang basa kasi nila ay pasaring niya ito kay Vice Ganda na sa opening number ng It’s Showtime sa GTV  ay sumakay sa isang helicopter from ABS-CBN patungong GMA 7.

After her helicopter ride, sumakay siya ng elevator papuntang ground floor kung saan siya nag-perform.
Ang daming nag-react sa caption ni Mang Joey, most of them castigating him.

“Congratulations on your new home. Sana po iwas iwasan nyo na sir ang paparinig. Nakaka wala po yon ng respito. Pwede namn mag bigaybng isa’t libo isang tuwa pro yong mga parinig nakakawala ponng respito. Being humble is more important and be thankful kasi meron kayong new home. Napakasakit po nyan kng babagsak ulit kayo. Again congratulations po!”

Baka Bet Mo: Willie niregaluhan ng bagong helicopter ang sarili: Pero para rin yan sa pagtulong natin

“Pare-parehas lang naman nasaktan, pinili, pinabayaan at binigyan ng pagkakataon. Bakit kailangan may ganitong post? Hindi mn derekta sinasabing sa showtime pero can you just be grateful? Atleast may bagong tahanan na ang pinalitan niyo. Hai. You can watch Annika in today’s ep of mini miss u, she may be young but full of wisdom, understanding and kindness. Stop network war if you have goals of making Filipinos happy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Boss Joey nakabalik na kayo. Iwasan niyo pagpaparinig. Focus na lang sa pagpapasaya ng mga tao. EAT BULAGA ako nambawan pero tigilan na Noontime Show War. Masaya pa ako kung nagparinig na lang kayo sa FAKE BULAGA. Dun walang helicopter. Submarine na yun na mawawasak na sa pressure.”

“’Lagpas helicopter’ kung yung phrase na yan ay hindi na sinama, wala siguro mag isip ng kung ano. Kahit mawala ang phrase na yan buo parin naman ang gusto sabihin ni Mr Joey di po ba? Dinagdag nya para May impact, ayun eto na nga po ang ending. Bilang public figure dapat responsible at pinagisipan ang post. Naga cause kasi ng unnecessary na gulo sa mga fans. Mas masaya buhay pag good vibes lang!”

Napanood ko ang pagbabalik ng TVJ sa noontime and I find it very sophomoric. ‘Yung mga jokes nila ay outdated if not slapstick.  Walang bago silang ipinakita sa kanilang pagbabalik sa noontine slot. How sad!!!

Samantala, nagsanib-pwersa ang ilan sa pinakamalaking bituin ng ABS-CBN at GMA para makisaya sa unang episode ng “It’s Showtime” sa pangalawang free-to-air channel ng GMA na GTV ngayong araw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Binuksan ng It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu, Amy Perez, Ryan Bang, Ion Perez, Cianne Dominguez, Jackie Gonzaga, MC, at Lassy ang naturang show sa pagkanta ng “Toxic Free” at nagpamalas ng iba’t ibang production numbers kasama ang Kapamilya stars na sina Belle Mariano, Alexa Ilacad, Jolina Magdangal, Chie Filomeno, at Erik Santos, at Kapuso stars na sina Sanya Lopez, Rodjun and Rayver Cruz, Pokwang, Mark Bautista, at Barbie Forteza. Samantala, naki-join naman sa “It’s Showtime Online U” ang sikat na content creator na si AC Soriano.

“It’s really happening. Buong bansa at buong mundo ang saksi dito sa makasaysayang selebrasyon natin. Wala nang titindi sa pinakamatinding plot twist ng taon. Dahil ang Kapamilya at Kapuso ngayon ay pinag-isa. Nakakatuwa na pinagsasama-sama angKapamilya at Kapuso stars,” say ni Vice Ganda.

Agad din nagtrending number 1 sa worldwide ang hashtag ng show na #GnaGsaShowtime samantala naging parte naman ng trend list sina Belle, Christian, Barbie, ABS-CBN, Argus at Rayver.

Vice Ganda sumakay sa helicopter para di ma-late sa trabaho

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joey de Leon pinatutsadahan nga ba si Vice Ganda sa hugot nito tungkol sa ‘1,000 floors’ at ‘lagpas helicopter’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending