Vice muling kinastigo ng MTRCB; GGV, ITS SHOWTIME inireklamo ng madlang pipol
MULING kinastigo ng MTRCB si Vice Ganda dahil sa mga reklamo ng mga manonood sa dalawang show ng TV host-comedian sa ABS-CBN – ang noontime show na It’s Showtime at ang weekly talk show nitong Gandang Gabi Vice.
Ipinatawag ng MTRCB si Vice pati ang ilang bossing ng ABS-CBN dahil sa mga natatanggap na reklamo ng ilang viewers na nagsabing “offensive and degrading” ang ilang nilalaman ng mga nabanggit ng programa.
Sa nabasa naming letter mula kay MTRCB Hearing and Adjudication Committee co-chairperson Eric Mallonga at committee members na sina Bobby Andrews at Joey Romero tungkol sa nasabing reklamo (Alleged Offensive and Degrading Scenes) laban kay Vice, kinuwestiyon ang July 28, 2014 episode ng It’s Showtime.
Sabi sa sulat, “The challenge portion in the program’s segment entitled ‘Gandang Lalaki’ showed program host Mr. Jose Viceral a.k.a. Vice Ganda wiping off with a towel his sweaty armpit and smudged this towel all over the face of one of the program’s male dancers.”
Noong Martes, naganap ang mandatory conference sa pagitan ng MTRCB at ni Vice kasama ang legal counsel ng ABS-CBN at ilang taong namamahala sa production ng programa.
Dito tinalakay ang content ng nasabing show at kung paano nakaaapekto sa manonood, lalo na sa mga bata ang content nito.
“Anything that exposes the child to an environment that would make him or her depart from fundamental norms for physical, intellectual, social, emotional and moral development and well-being such as the use of obscene language, the lack of respect for the dignity of individual person, and the exposure to scenes of sex and violence are conditions or situations that are deemed prejudicial to the child’s development.
“Thus, the network is impelled to be more responsible and must have a more pro-active self-regulation,” nakasaad pa sa letter.
In fairness, tinanggap naman ng Kapamilya station na nagkulang nga sila sa pagpapatupad ng self-regulation.
Humingi na rin ng paumanhin ang mga taong involved sa mga manonood. Kasabay nito, pumayag din silang sumailalim sa “three-month period of close collaboration with the Board concerning the show’s programming in addition to the implementation of other self-regulatory measures.”
Sasailalim din sa seminar si Vice at iba pang involved sa production kaugnay ng “media and the legal profession in the context of both audience-sensitivity and the administration of justice.”
Isa pang reklamo ang natanggap ng MTRCB laban naman sa Gandang Gabi Vice (sa August 3, 2014 episode), ito’y may kaugnayan naman sa “Scenes Allegedly Containing Words and Non-verbal Acts with Double Meaning Inappropriate to Young Viewers”.
Sina Piolo Pascual at ang alalay nitong si Moi Marcampo ang guests sa nasabing episode. Ayon sa formal complaint, “The complained scenes pertain to Mr. Jose Mari Viceral a.k.a. Vice Ganda’s use of words with sexual undertones and other non-verbal acts with double sexual meaning while interviewing Mr. Piolo Pascual and his personal assistant.”
Actually, napanood ko ang nasabing episode at medyo “bastos” nga ang ilang bahagi nito, pero tawang-tawa kami. Hindi kami aware na may mga na-offend palang viewers sa episode na ‘yun. Narito ang ilang bahagi ng nasabing interview:
Vice: Nagtatabi kayo sa kama?
Moi: Ako lang po ang tumatabi.
Vice: Tinatabihan mo siya bago ka mabuntis?
Piolo: Sabi mo di ba? Noong nasa condo, J tabi tayo. Sabi ko, asa ka!
Vice: Talagang sinasabi niya na tabi kayo? Kapal nang mukha mo!
Moi: Hindi, natural walang malisya..parang…
Vice: Babae! Tatabi kay Piolo tapos sabihin walang ma-lisya..basang basa ang panty for sure tatabi kay Piolo!
Vice: Tapos dedma ka lang ni Piolo sa likod o. Pero nakahiga ka sa ganito ni Piolo ( host tapping his lap )
Moi: Lagi kaming ganyan.
Vice: Matigas? Matigas…‘yong kama?
Moi: Masarap (touching the lap of Piolo).
Vice: Tatabi ka kay Piolo sa kama tapos walang ma-lisya…ano ‘to prayer meeting na nakahiga?
Vice: Pag magkasama kayo lagi ang mga damit niya inaayos mo di ba? Inaamoy mo? ‘Yong totoo? Briefs?
Moi: Hindi eto. Di ba nang minsan galing siya nang ibang bansa, pag nag-aayos ako ng bag or maleta di ko alam kung ano ang madumi at ang malinis.
Vice: So magkasama-sama?
Moi: Hindi nakatiklop kasi. Di ko naman siya matanong kung lalabhan ko ba o hindi. So hindi ko na siya tinanong. Inamoy amoy ko na lang kung anong malinis o madumi.
Vice: Paano? Pati briefs?
Moi: Oo.
Vice: ‘Yong pundilyo? Ano ang amoy?
Moi: Syempre mapanghi.
Vice: Oh My God! Tao si Piolo mapanghi ang gamit na brief. Minsan may nakikita ka bang igit-igit?
Moi: Meron! Handwash ko yon kasi di kaya ng washing machine.
What do you think?
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.