Willie niregaluhan ng bagong helicopter ang sarili: Pero para rin yan sa pagtulong natin | Bandera

Willie niregaluhan ng bagong helicopter ang sarili: Pero para rin yan sa pagtulong natin

Ervin Santiago - March 15, 2021 - 10:17 AM

NIREGALUHAN ni Willie Revillame kamakailan ang kanyang sarili ng bagong helicopter.

Ipinakita niya ito sa publiko sa nakaraang episode ng “Wowowin” sa GMA 7 sa pamamagitan ng isang litrato na kuha ng kaibigan niyang si DJ Coki.

Makikita sa litrato ang TV host-comedian na nasa gitna ng dalaw niyang helicopters. Mababasa rin dito ang buo niyang pangalan na may nakasulat na “Captain.”

Ayon kay Willie, regalo raw sa kanya DJ Coki ang litrato, “Salamat dito DJ Coki, ang ganda. Kuha po ito ni DJ Coki, ibinigay niya sa akin, regalo raw niya. Saan mo ba nakuha ito? Ah, diyan-diyan lang.”

Dugtong pa ng TV host, “Yun pong mga chopper na ‘yan eh para po sa pagtulong din, kapag magbibigay tayo ng mga tulong sa ating mga kababayan.

“Ibig sabihin po eto’y puwedeng…ayan nu’ng nagpunta ako ng Catanduanes, ‘yan po ang mga dala namin. ‘Yan po, iniregalo ko naman sa sarili ko ‘yan para po humanitarian din ‘yan,” pahayag pa ng komedyante.

Ang kulay maroon daw na chopper sa litrato ang bago bili na siyang iniregalo niya sa sarili pero diin ni Willie, hindi lang ito para sa mga personal niyang lakad, mas inisip daw niya ang magiging gamit nito sa kanilang relief mission.

Noong July, 2019 ibinandera ni Willie na talagang nag-aral siyang magpalipad ng helicopter at last December lang ay nakuha na niya ang kanyang lisensya bilang piloto.

In fairness, talagang siya mismo ang nagpiloto noong magtungo siya nang personal sa Catanduanes upang dalhin ang kanilang donasyon para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo.

* * *

Simula ngayong Lunes (March 15), mapapanood na ang “Stories of Hope” sa GMA Power Block.
Bawat isa, may kuwento ng pag-asa.

Ito ang konsepto ng pinakabagong programa ng GMA News and Public Affairs na Stories of Hope na magtatampok ng iba’t ibang kuwentong kapupulutan ng aral—mga pagsubok na nalampasan, mga hamong napagtagumpayan, at mga kuwentong magbibigay inspirasyon at pag-asa.

Layunin ng “Stories of Hope” na ipakita ang katatagan, kasipagan at determinasyon ng mga Pilipino sa pagharap sa anumang pagsubok ng buhay. Ang bawat kuwento, ibabahagi mismo ng mga taong nakaranas nito.

Sa unang episode, tampok ang kuwento ng mga sundalong nakipaglaban pero naputulan ng mga kamay at paa sa gitna ng bakbakan at misyon sa Mindanao.

Habang nasa engkwentro sa Lupon, Davao Oriental noong April 2019, sumabog ang dalang grenade launcher ni Corporal Ariel “Prince” Reyes matapos tamaan ng sniper ng kalaban nila. Dahil dito, naputol ang kanyang kaliwang braso.

Naputol din ang kanyng daliri at naapektuhan maging ang kanyang pandinig. Pero bukod sa natamong mga sugat, pinakamahirap para kay Corporal Reyes kung paano sasabihin sa kanyang asawa at noo’y tatlong taong gulang na anak ang nangyari sa kanya.

Malaking tulong daw ang ibinibigay na suporta at pagmamahal ng kanyang pamilya para malagpasan niya ang pagsubok na ito. Sa ngayon higit isang taon na niyang hindi nakikita ang pamilya sa probinsya habang patuloy ang kanyang therapy dito sa Maynila.

Habang nasa isang rescue mission naman si Sergeant Jovan Rey Patagani sa kasagsagan ng bagyong Pablo sa Davao Oriental noong 2013, biglang sumabog ang isang land mine. Sa tindi ng pagsabog, naputol ang kanyang dalawang paa.

Sa tulong ng Armed Forces of the Philippines, mabibigyan sina Corporal Reyes at Sergeant Patagani ng mga panibagong prostheses.

Masaklap man ang nangyari sa kanila, hindi ito naging dahilan para sila ay sumuko at mawalan ng pag-asa. Matapos ang kanilang training at therapy, muli silang sasabak sa panibagong hamon bilang mga sundalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang “Stories of Hope” tuwing Lunes simula na ngayong March 15 pagkatapos ng “Saksi” sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending