Gerald Anderson sumablay sa pag-shoot, cheer mula sa crowd: 'Para kay Kim Chiu' | Bandera

Gerald Anderson sumablay sa pag-shoot, cheer mula sa crowd: ‘Para kay Kim Chiu’

Therese Arceo - July 03, 2023 - 01:03 AM

Gerald Anderson sumablay sa pag-shoot, cheer mula sa crowd: 'Para kay Kim Chiu'

NAG-VIRAL sa social media ang video ng aktor na si Gerald Anderson na kuha noong naglalaro ito ng basketball sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2023.

Sa naturang video ay makikitang tumitira ng free throw ang aktor na naglalaro para sa Marikina Shoemakers.

Sa unang free throw ay tagumpay na mai-shoot ni Gerald ang bola sa ring. Ngunit nang naghahanda na siya para tumira sa ikalawang pagkakataon ay may isang sumigaw mula sa crowd.

“Idol, isa pa para kay Kim Chiu,” sigaw ng isa sa mga audience.

Sa kasamaang palad ay hindi pumasok ang ikalawang free throw ni Gerald.

“1 out of 2,” saad ng commentator.

Segunda naman ng isa habang natatawa,”7 points for Gerald.”

Nang tanungin ng isang commentator ang kasamahan kung bakit ito natawa ay inamin nitong may kinalaman sa nagdaang cheer ang rason.

Baka Bet Mo: Marjorie hinding-hindi makakalimutan ang ginawa sa kanya ni Gerald noong magkita sila sa ABS-CBN: ‘Tumatak talaga siya sa akin’

“May sinisigaw dito sa likod, e. Nagkamali yata ng pangalan na binanggit,” sey nito.

Matatandaang isa sa mga talagang nakilalang love team sa bansa sina Kim at Gerald na mas kilala sa tandem na KimErald.

Unang nagkasama ang dalawa nang parehas na maging housemate sa unang “Pinoy Big Brother” teen edition.

Nagsimula ang relasyon ng dalawa noong 2006 ngunit makalipas ang apat na taon ay naghiwalay rin sina Gerald at Kim.

Sa ngayon ay masaya na sa piling ng aktres na si Julia Barretto ang aktor at happy rin si Kim sa kanyang relasyon sa Kapuso star na si Xian Lim.

Related Chika:
Gerald Anderson aminadong ‘magaan’ karelasyon si Julia Barretto: Hindi mo maramdamang na komplikasyon siya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia Barretto sa chikang hiwalay na sila ni Gerald Anderson: I do feel safe in this relationship

Sa wakas, Gerald Anderson mapapanood na sa GMA 7; mapapalaban sa ‘Family Feud’ kasama si Kylie Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending