Kuya Kim sa pag-ere ng 'Showtime' sa GTV at sa pagiging Kapuso nina Vice, Vhong at Anne: 'There's space for everyone, I'm happy for them' | Bandera

Kuya Kim sa pag-ere ng ‘Showtime’ sa GTV at sa pagiging Kapuso nina Vice, Vhong at Anne: ‘There’s space for everyone, I’m happy for them’

Ervin Santiago - June 28, 2023 - 04:53 PM

Kuya Kim sa pag-ere ng 'Showtime' sa GTV at sa pagiging Kapuso nina Vice, Vhong at Anne: 'There's space for everyone, I'm happy for them'

Kim Atienza, Vice Ganda, Anne Curtis at Vhong Navarro

“I’M HAPPY for ‘It’s Showtime‘ family.” Iyan ang mensahe ni Kim Atienza sa pag-ere ng Kapamilya noontime program sa GTV o Good Television.

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang GTV ay isa sa mga free-to-air TV station na pagmamay-ari ng GMA Network kaya naman pwedeng-pwede na ring tawaging Kapuso ang mga host ng “Showtime” sa pangununa nina Vice Ganda, Vhong Navarro at Anne Curtis.

Isa sa mga original host ng naturang Kapamilya noontime show ay si Kuya Kim na ngayon ay nasa GMA 7 na bilang host ng “Dapat Alam Mo” na napapanood sa GTV at segment host sa “24 Oras”. Meron din siyang daily show sa Kapuso Station na “TiktoClock.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)


Magsisimulang mapanood ang “It’s Showtime” sa GTV simula July 1, kasabay ng bagong noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa TV5.

At dahil nga rito, may mga netizens na nagtanong kay Kuya Kim sa pamamagitan ng Twitter, kung ano ang masasabi niya sa mga bagong kaganapang ito, lalo na ang pagpapalabas ng dati niyang noontime show sa GTV.

Baka Bet Mo: David Licauco inamin na ang ‘feelings’ kay Julie Anne; fans nagwala sa kilig

“I’m happy for them. @itsShowtimeNa will always be family regardless of stations,” ang pahayag ni Kuya Kim.

Sabi pa ng TV host, “Life is like that. Nothing is permanent. I’m happy for @itsShowtimeNa family.

“They will always be dear to me regardless of stations,” dugtong ng Kapuso host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Showtime Family (@itsshowtime_family)


May isa namang Twitter user ang nag-post ng, “Ano kaya ang reaksyon ni Kuya Kim patungkol sa Papalapit na mapapanood ang It’s Showtime sa GTV. since si Kuya Kim is one of the OG hosts nito.“

Sagot ng tinaguriang Trivia Master, “There’s space for everyone. The more shows on free TV, the more options for people to watch.

“I’m happy for @itsshowtimena and happy for my station@gtvphilippines it’s a win for both,” lahad pa niya.

Nang dahil sa TVJ…’It’s Showtime’ ng ABS-CBN goodbye na sa TV5, lilipat sa GTV

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mavy Legaspi patutunayang nag-level up na ang akting; type sumabak sa action-fantaserye

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending