Mavy Legaspi patutunayang nag-level up na ang akting; type sumabak sa action-fantaserye
KUNG siya ang papipiliin, mas gusto raw ng Kapuso TV host-actor na si Mavy Legaspi ang makasama sa isang action-drama series at fantaserye.
Nais daw ng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na masubukan ang kanyang kakayahan at talento pagdating sa pag-aaksyon at paggawa ng sarili niyang stunts sa mga eksena.
Ani Mavy, super excited na siyang maipamalas sa mga manonood ang improvement niya bilang aktor sa mga susunod na projects niya sa GMA.
Promise ng Kapuso young actor sa kanyang mga tagasuporta, mas marami pang dapat abangan sa kanyang showbiz career ang mga viewers.
Ang goal daw ngayong 2022 ng binata at rumored boyfriend ni Kyline Alcantara ay maipakita sa lahat na nag-level up na ang kanyang akting after ng kanyang first TV series na “I Left My Heart in Sorsogon”.
Sabi ni Mavy, “To prove to people na there still more coming from me, most especially from such a big show I Left My Heart in Sorsogon. Gusto kong patunayan na it just doesn’t stop from there.”
Kasunod nito, sinabi nga ng binata kung anong mga dream projects niya, “Definitely, action at fantaserye. Iyan ‘yung pinakagusto ko but right now what’s in my heart I really wanna do a drama.”
“Because before I Left My Heart in Sorsogon nagpe-prepare kami ni Kyline through workshops, and pinush kami during that time na puro iyak tapos nakita ko naman na I was able to do it.
“Nae-enjoy ko ‘yung batuhan ng linya with Kyline pagdating sa drama,” aniya pa.
View this post on Instagram
* * *
Marami ang nagsasabi na maswerte ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa bago nitong tahanan na GMA Network.
Sa Opening Ceremonies pa nga lang ng season 97 ng first athletic league ng bansa, dama mo na ang importansyang binibigay ng Kapuso Network. Pinalabas kasi ito simulcast sa GMA at GTV.
Star-studded ang Opening Ceremonies na pinangunahan ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.
Nagsilbing host naman sina Rabiya Mateo, Manolo Pedrosa, at NCAA hosts Martin Javier at Sophia Senoron. Present din sina Garrett Bolden, Thea Astley, Jessica Villarubin, Mariane Osabel, Jeremiah Tiangco, Nef Medina, Vilmark Viray, at Anthony Rosaldo.
Binigyang-pugay rin ang ilang atletang mula sa mga NCAA school tulad nina CJ Perez, Marvin Hayes, Caloy Loyzaga (posthumous), Francis Munsayac, Maria Aresa Lipat, Michael Saguiguit, Freddie Webb, Roger Gorayeb, Jiovani Jalalon, at Chito Victolero.
Pagkatapos ng opening ay sinundan ito ng basketball games na live na napanood sa GTV. Ilan nga sa mga comment ng mga viewer at netizen ay ang level-up coverage sa NCAA courtesy of GTV.
Mapapanood ang NCAA Season 97 live basketball games sa GTV tuwing Tuesday, Wednesday, at mula Friday hanggang Sunday, 12 noon. May replays ang laro tuwing Monday at Thursday tuwing 3 p.m..
https://bandera.inquirer.net/284916/jimuel-natakot-sa-unang-pagsabak-sa-akting-pero-kinarir-ang-role-sa-click-like-share
https://bandera.inquirer.net/280281/david-licauco-inamin-na-ang-feelings-kay-julie-anne-fans-nagwala-sa-kilig
https://bandera.inquirer.net/281074/fans-nina-mikee-at-kelvin-humihirit-agad-ng-lost-recipe-book-2-magkaagaw-pasabog-ang-ending
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.