Aiko Melendez ipinagtanggol ang sarili matapos mag-trending sa pagsasayaw sa session hall: Clearly it says before session | Bandera

Aiko Melendez ipinagtanggol ang sarili matapos mag-trending sa pagsasayaw sa session hall: Clearly it says before session

Therese Arceo - June 21, 2023 - 07:57 PM

Aiko Melendez ipinagtanggol ang sarili matapos mag-trending sa pagsasayaw sa session hall: Clearly it says before session

NAGSALITA na ang Quezon City District 5 Councilor Aiko Melendez ukol sa kanyang kontrobersyal na TikTok video.

Matatandaang kahapon ay naging laman ng mga balita ang actress-politician dahil sa ginawa nitong pagsasayaw sa loob ng session hall kasama si SK President for QC Councilor Julian Trono at iba pang konsehal na sina Majority Floor Leader Dorothy Delarmente, Wency Lagumbay, at Chuckie Antoniong kantang “Touch My Body” ni Mariah Carey.

Marami sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang ginawa nito dahil sa diumano’y kawalan nila ng respeto nang mag-TikTok sila sa loob ng session hall ng lungsod.

Pagpapaliwanag ni Aiko, wala naman daw silang nilabag nang mag-TikTok sila dahil nangyari raw ito bago magsimula ang session.

“Please Read the caption po. Clearly, it says ‘before session,’ it means wala pa roll call, and that was 30 mins before session, so wala kami violate na ruling,” saad ng konsehala.

Dagdag pa ni Aiko, “FYI… I know the ruling.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)

Baka Bet Mo: Aiko Melendez, Julian Trono nag-TikTok sa session hall, netizens napataas ang kilay

 

Makikitang naka-turn off na ngayon ang pagko-comment sa kanyang dalawang TikTok video.

“We were also just celebrating because yesterday it was finally calendared in our agenda to approve the additional 10,000 bonuses for our employees dahil nakuha namen ang COA unqualified opinion 3rd year in a row,” paliwanag pa ni Aiko.

Sa kanyang Instagram page naman ay makikitang uploaded rin ang naturang video.

“Pasikat with konsi @juliantrono feeling young. Before session! TikTok I think we were just celebrating the approval of the 10,000 pesos bonus to all QC Employees of QC GOV, dahil nakuha natin ulit ang COA Unqualified Opinion 3rd year in a row,” caption ni Aiko sa video kasama si Julian.

Maging si Ogie Diaz ay dinepensahan ang alaga mula sa mga pambabatikos ng netizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pag magaganda naman ang ginagawang project, di naman naba-viral. Nag-tiktok lang, dami nang kumuda?” saad ng talent manager. Me nilabag bang protocol? This is after the session. May corruption bang naganap sa video? Ang i-bash nyo ay kung sino ang laging absent na konsehal during sessions,” sey ng manager ni Aiko.

Related Chika:
Ogie Diaz ipinagtanggol si Aiko Melendez mula sa bashers: Nag-TikTok lang, dami nang kumuda?

Aiko Melendez ayaw makatrabaho si Jomari Yllana: ‘Hindi pa kasi kami OK’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending