Jaclyn Jose nakaranas ng ‘deadly love’: ‘Sobrang nakakatakot na kabanata ng buhay ko pero buti nakatakas ako’
MATAPANG na inamin ng award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose na naka-experience na rin siya ng “deadly love” sa isang taong nakarelasyon niya noon.
Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press si Jaclyn sa naganap na mediacon para sa latest project niya sa Viva Entertainment, ang mystery crime-thriller series na “Deadly Love” kahapon, June 20.
Makakasama niya rito sina Louise delos Reyes, Marco Gumabao, McCoy de Leon at Raffy Tejada, mula sa direksyon ni Derick Cabrido and created by Enrico Santos. Mapapanood ito sa pinakabagong streaming app na Viva One.
View this post on Instagram
Kaya naman natanong ang cast members ng naturang digital series kung sa totoong buhay ba ay nakaranas na sila ng “deadly love”.
Ayon kay Jaclyn, hinding-hindi niya makakalimutan ang naging buhay niya nang makarelasyon ang isang tao na nagbigay sa kanya ng matinding takot at bangungot.
Walang binanggit na pangalan si Jaclyn sa kanyang kuwento pero aniya, talagang gumawa siya ng paraan para makatakas sa taong yun.
Baka Bet Mo: Jaclyn Jose biktima rin ng hacking, nagbabala sa publiko: Please huwag paloko
“Oo, naka-experience ako. Nakakatakot na kabanata sa buhay ko regarding love. Deadly love talaga, but it’s all done now, everything’s done. Maraming-maraming panahon na ang nakalipas so naka-recover na tayo, but it happened to me,” simulang rebelasyon ng premyadong aktres.
Patuloy pa niya, “It was very, very scary but kailangan mong tumakas at nakatakas naman.
“It’s a matter of life and death. Parang U.S. visa lang, ‘no? Aalis ka na, tatapusin mo na.
“Ayoko nang i-elaborate kung anong klase but it’s a matter of life and death in any form,” paglalahad pa niya.
View this post on Instagram
Samantala, puring-puri naman ni Jaclyn ang mga kasamahan niya sa “Deadly Love” na sina Marco, Louise at McCoy dahil bukod sa magagaling nang umarte ay mga professional pa.
Wala raw siyang naging problema habang ginagawa nila ang “Deadly Love” at nagpapasalamat din siya sa kanilang direktor na si Derick Cabrido dahil sa napakagandang experience nila sa ilang araw na pagsu-shooting.
Nahingan din siya ng reaksyon kung naba-bad trip ba siya sa mga baguhan at kabataang artista na nahihiya o natatakot sa kanya kaya nagkakamali o sumasablay sa mga eksena.
“Not all. Ako naman, siyempre alam ko maraming mga bata, yung mga nag-i-start talaga, I make sure na hindi ko sila mai-intimidate.
“Kaya kinukuha ako ng Viva palagi kasi alam ni Boss Vic (del Rosario) na inaalagaan ko yung mga alaga niya. Kailangan nating magtulungan. Kung hindi, hindi tayo matatapos. What’s the point of intimidating our co-actor for the sake of it?
“Ang sa akin, kailangan mapalapit ang loob nila sa akin para magkaroon ng chemistry. Para makapagtrabaho nang mabuti.
“Hindi ako yung tipo ng artista o beterana na naninindak o pagdating pa lang sa set, hindi mo na malalapitan. Ako pa yung lumalapit kasi walang mangyayari sa shooting kapag may ilangan.
“I make sure na ang mga bago, kahit sa Vivamax, ang mga anak-anakan natin diyan na mga bagong artista, palagi kong ipinaparamdam sa kanila na pare-pareho lang tayo.
“Hindi ako nang-i-intimidate ng co-actor. That’s a no-no for me kasi gusto ko may chemistry, may rapport, may tulungan,” aniya pa.
Magkakaroon ngna ang “Deadly Love” sa Viva One streaming site at magkakaroon ng world premiere sa July 10, 2023.
Jaclyn Jose binanatan si Albie; may pakiusap kay Direk Lauren Dyogi
Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.