Lolit Solis wish mahanap ni Alden ang 'the one': Sana matagpuan na niya ang babae na mamahalin niya | Bandera

Lolit Solis wish mahanap ni Alden ang ‘the one’: Sana matagpuan na niya ang babae na mamahalin niya

Therese Arceo - June 20, 2023 - 05:46 PM

Lolit Solis wish mahanap ni Alden ang 'the one': Sana matagpuan na niya ang babae na mamahalin niya

DALANGIN ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis na matagpuan na ng Kapuso actor na si Alden Richards ang kanyang “forever”.

Sa kanyang latest Instagram post ay ibinahagi niya na sana talaga ay ma-meet na nito ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso.

“Ewan ko kung bakit bigla pumasok sa isip ko si Alden Richards, Salve. Para bang bigla na lang naisip ko na kakaiba ang trato niya sa lahat ng taong malapit sa kanya,” panimula ni Lolit.

Pagpapatuloy niya, “Naisip ko kung bakit napakabait niya at hinahayaan lang ang mga pumupuna sa kanya. Napakagalang at respectful niya.”

Baka Bet Mo: Alden sinorpresa si Lolit Solis, dinalaw sa bahay para personal na bumati ng ‘HNY’: Sana makita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya forever!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Mabuting tao daw talaga si Alden dahil sincere itong makitungo sa mga taong nakakasalamuha nito.

Pinuri rin ni Lolit ang paraan ng pagtanaw ng utang na loob ang pagiging loyal ng aktor.

“Makikita mo ang laki ng pagtanaw niya ng utang na loob sa pagmamahal niya kay mama Tenten. Iyon loyalty niya sa GMA7, at iyon pagmamahal niya sa kanyang mga fans.

Isang example si Alden Richards ng isang mabuting tao kaya naman hangad mo talaga na maging maligaya siya,” sey ni Lolit.

Hirit pa niya, dasal niya na matagpuan na nito ang babaeng mamahalin niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Si Alden ang lagi mo ipagdarasal na magtagumpay dahil mabait siyang tao. Kaya naman ngayon nasa itaas na siya, prayers mo na lang na sana matagpuan na niya ang babae na mamahalin niya at mag aalaga sa kanya for the rest of his life.”

Related Chika:
Lolit Solis sa hindi pagsusustento ni Paolo Contis sa mga anak: Maaga pa, puwede pang bumawi

Lolit Solis handang makipagpatayan para sa mga alaga, may pakiusap sa bashers ni Paolo Contis: Huwag na natin gawin kumplikado pa ang buhay niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending