Lolit Solis handang makipagpatayan para sa mga alaga, may pakiusap sa bashers ni Paolo Contis: Huwag na natin gawin kumplikado pa ang buhay niya | Bandera

Lolit Solis handang makipagpatayan para sa mga alaga, may pakiusap sa bashers ni Paolo Contis: Huwag na natin gawin kumplikado pa ang buhay niya

Therese Arceo |June 17,2023
facebook
share this

Lolit Solis handang makipagpatayan para sa mga alaga, may pakiusap sa bashers ni Paolo Contis: Huwag na natin gawin kumplikado pa ang buhay niya

Therese Arceo - June 17, 2023 - 07:27 PM

Lolit Solis handang makipagpatayan para sa mga alaga, may pakiusap sa bashers ni Paolo Contis: Huwag na natin gawin kumplikado pa ang buhay niya

NAGLABAS ng saloobin ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ukol sa mga isyung kinasasangkutan ngayon.

Sa kanyang Instagram page ay magsalita siya ukol sa isyung kinakaharap kaugnay ang alagang si Paolo Contis.

“Naku Salve, parang talagang nabuhay ako sa gulo ng mundo. Sa gitna ng dialysis, kuliti at maraming discomfort, nasasali pa ako sa mga kung anuanong issues. Sa edad na 76 akala ko irrelevant na ako at hindi na seseryosohin. Pero kahit ano sabihin ko o ikilos, lagi parin binabantayan at hinahanapan ng issue,” saad ni Lolit.

Naikuwento niya nga na 20 years old pa lang siya nang pasukin ang mundo ng showbiz at hanggang ngayong 76 years old na siya ay nasasabit pa rin ang pangalan sa mga isyu.

“Kaloka dahil mas marami pa yatang ganap sa buhay ko kesa sa mga alaga ko, kaya natatawa ako dahil feeling lola Lolit na ako pero meron parin issue,” pagpapatuloy pa niya.

Ani Lolit, never niyang tatakbuhan ang isang away lalo na kung tama naman ang kanyang mga talents o alaga.

“I will take a bullet for them anytime dahil lahat sila para ko ng mga anak. Their pain is my pain, kaya no matter what, I will be at their side.

“Maipagmamalaki ko na mabubuting tao ang mga talents ko, may mga konting pagkakamali pero walang sinasaktan na tao.,” sey pa ni Lolit.

Baka Bet Mo: Lolit Solis dumepensa sa mga bashers ni Paolo Contis matapos mapiling host ng ‘Eat Bulaga’: ‘Trabaho lang, walang personalan’

Lately ay nagiging maingay ang pangalan ng kanyang alagang si Paolo Contis dahil sa naging makulay nitong lovelife. Kaya naman bilang anak-anakan niya ito ay talagang ipinagtatanggol niya ito.

Sey ni Lolit, “Kung sakali at hindi naging maganda ang personal nilang relasyon, duon sa partner lang nila may responsibilidad, hindi sa ibang tao.

“Imposibleng hindi sila nasaktan ng masira ang relasyon nila sa partner nila. Imposibleng hindi iniyakan ni Paolo Contis ang paghihiwalay nila ng mga ina ng mga naging anak niya.”

Hindi di naman daw biro ang pagkakaroon ng anak at ano nga ba ang magagawa ng kanyang alaga kung naging mailap sa kanya ang hinahanap nitong “forever”.

“Pero siyempre dalawang tao iyon na may mga sariling desisyon. Dapat nga ay dasal na sana makatagpo na ng tunay na mamahalin si Paolo, at magmamahal sa kanya. Gusto ko rin makita na tahimik at maligaya ang buhay niya,” sabi pa ni Lolit.

Pakiusap naman niya na sana ay intindihin rin ang kanyang alaga.

“Maging mapang unawa tayo, huwag natin isisi sa isang tao pagkakamali ng dalawa. Kaya kahit ano sabihin, I will stand by Paolo Contis side, dahil alam ko, his heart is kind and loving,” ani Lolit.

Dagdag pa niya, “Give him a chance. Let him be happy. Huwag na natin gawin kumplikado pa ang buhay niya. Bongga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Lolit Solis nagbabala sa mga mang-aapi sa kanyang talents: Lalabanan ko pa rin ang mga gustong pumapel at magyabang diyan

Lolit Solis super saya sa pagdalaw ni Paolo Contis: Talagang mukha siyang happy at contented!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending