Lolit Solis feeling lucky sa mga alagang artista: 'Pag ayaw na sa iyo, let go | Bandera

Lolit Solis feeling lucky sa mga alagang artista: ‘Pag ayaw na sa iyo, let go

Therese Arceo |March 18,2023
facebook
share this

Lolit Solis feeling lucky sa mga alagang artista: ‘Pag ayaw na sa iyo, let go

Therese Arceo - March 18, 2023 - 08:23 PM

Lolit Solis feeling lucky sa mga alagang artista: 'Pag ayaw na sa iyo, let go
SWERTE raw ang talent manager na si Lolit Solis dahil never raw siyang nagkaroon ng isyu sa kanyang alaga.

Ito ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram page sa nitong Miyerkules, March 15, sa kalagitnaan ng hindi pagkakaintindihan nina Liza Soberano at Ogie Diaz.

“Natatawa ako sa mga nangyayari ngayon between talents and managers, Salve. Ewan ko pero feeling ko napaka lucky ko sa mga alaga ko dahil hindi ako nagkaruon ng issue sa mga ito. To think na wala akong kontrata sa kanila,” lahad ni Lolit.

Dagdag pa niya, “Lahat kami honor system lang, lahat base on trust. Basta kasi katwiran namin nuon ni Douglas Quijano pag ayaw na sa iyo, let go. Huwag mong habulin ang gustong umalis.”

Chika pa ni Lolit, ang basis raw niya sa pagtanggap sa isang talent ay dapat mayroon siyang emotional attachment dito at dapat love daw niya ito bago niya i-handle.

“At so far, wala naman akong naging problema. Kalungkot kasi na pag matagal na iyon samahan ninyo, at maghiwalay kayo, magkakaruon ng bitterness.

“Mas maganda na pag ayaw na, pareho ninyong tanggap ang ending ng samahan ninyo ng walang galit sa loob mo,” lahad ni Manay Lolit.

Aniya, ang relationship daw ng isang manager at talent ay parang pamilya rin na kahit magkahiwalay ay nandoon pa rin dapat ang good memories na kanilang pinagsamahan.

Baka Bet Mo: Lolit Solis nagbabala sa mga mang-aapi sa kanyang talents: Lalabanan ko pa rin ang mga gustong pumapel at magyabang diyan

Kaya naman naalala niya kung paano asikasuhin noon ng kanyang mga alaga ang mga namayapang sina Douglas Quijano at Bibsy Carballo.

“Talagang turing pamilya. Kaya sad pag makita mo na nag aaway ang dating magka kampi. It leaves a bad taste in the mouth,” sabi pa ni Manay Lolit.

Matatandaang kasalukuyan ngayong kontrobersyal ang nangyayari sa pagitan ni Ogie Diaz at dating alaga na si Liza Soberano kung saan maski ang pinansyal na aspeto gaya ng komisyon ay natatalakay na sa publiko.

“Sana maisip nila na after a long years of working together, dapat kung maghiwalay man, let it be. Walang siraan, walang bad words. Peace lang. Maliit lang ang showbiz, at magkikita kita kayo lagi, gusto mo bang lagi kang may iniiwasan, hindi maganda di ba ? Kaya no more word war, stay quiet , mas class pa, mas bongga,” hirit pa ni Lolit.

Related Chika:
Lolit Solis super saya sa pagdalaw ni Paolo Contis: Talagang mukha siyang happy at contented!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis sa hindi pagsusustento ni Paolo Contis sa mga anak: Maaga pa, puwede pang bumawi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending