Gigi de Lana ipina-auction ang 2 crop tops na ginamit sa viral video para sa inang may Stage 4 breast cancer, pero pinagtawanan at inokray ng bashers | Bandera

Gigi de Lana ipina-auction ang 2 crop tops na ginamit sa viral video para sa inang may Stage 4 breast cancer, pero pinagtawanan at inokray ng bashers

Ervin Santiago |June 18,2023
facebook
share this

Gigi de Lana ipina-auction ang 2 crop tops na ginamit sa viral video para sa inang may Stage 4 breast cancer, pero pinagtawanan at inokray ng bashers

Ervin Santiago - June 18, 2023 - 01:32 PM

Gigi de Lana ipina-auction ang 2 crop tops na ginamit sa viral video para sa inang may Stage 4 breast cancer, pero pinagtawanan at inokray ng bashers

Gigi de Lana

SA halip na makisimpatya at magbigay ng suporta, inokray-okray pa ng ilang netizens ang naisip na paraan ni Gigi de Lana para makatulong sa pagpapagamot ng kanyang ina.

Ipina-auction ng Kapamilya singer-actress ang kanyang crop tops na ginamit niya sa dalawang viral video ng banda nilang Gigi Vibes – ang “Through The Fire” at “Bakit Nga Ba Mahal Kita“.

Ang kikitain dito ay gagamitin niyang pangtustos sa iba’t ibang medical treatment ng kanyang nanay na si Imee de Lana, na patuloy ang pakikipaglaban sa Stage 4 breast cancer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐆𝐈𝐆𝐈 (@gigidelanaofficial)


Sa pamamagitan ng kanyang official Facebook account, mababasa ang announcement ni Gigi na, “Own a piece of OPM and YouTube PH History! Gigi Vibes Auction 02. LATEST BID: ₱68k!!!”

“Up for grabs is the iconic crop top worn by Gigi De Lana in the viral sensation ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’ music video.

“This one-of-a-kind item will be framed and personally signed, plus a chance to meet ang Gigi De Lana and The Gigi Vibes! Serious bidders only. Invalid bids will be deleted,” ang sabi pa sa FB post.

Bukod dito, may ilan pang pre-loved items na ibinebenta si Gigi tulad ng mga branded bags at damit.

Baka Bet Mo: Gigi de Lana hindi naniniwala sa pag-inom ng salabat para maalagaan ang boses

Marami ang sumuporta sa pa-auction ng dalaga at talagang super bid sila para sa kanila mapunta ang mga damit ni Gigi. Pero meron ding nambasag sa kanya at nagsabing napakamahal naman daw ng presyo ng kanyang crop top.

Ipinagtanggol naman agad ng mga fans si Gigi sa mga bashers at sinabing hindi naman namimilit ang dalaga sa kanyang pa-auction at ito’y ginagawa lamang niya para sa inang may cancer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐆𝐈𝐆𝐈 (@gigidelanaofficial)


Nang mabasa naman kay Gigi ang mga pangnenega ng mga haters, ipinost niya sa FB ang magagandang comments ng netizens at ang post ng mga taong nagtatanggol sa kanya with matching Bible verses.

“Thank you sa positive comments. Para naman sa nagagalit sakin. Luke 23:34 ‘Then Jesus said, ‘Father, forgive them; for they do not know what they’re doing,’” ang mensahe ng singer.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng mga FB followers ni Gigi.

“Gigi De Lana we’ll pray you’ll get through this. Prayers for your mom’s recovery.”

“I don’t seem to understand why people are making fun at this post. If kayo din naman asa situation nya you’ll do EVERYTHING para lang mapagaling nyo ang mga mahal nyo sa buhay and cleary this is for a GOOD CAUSE. Be nice people. You wouldn’t know the struggle until you experienced it. Be kind.”

“Bully nga sila. Pag ibang lahi ung gumanyan puro lahat naka heart.”

“God’s provision amd blessings be upon you ms Gigi De Lana. praying for healing for both of you and your mom too.”

“I’m praying for the healing of your mom Gigi De Lana your such a wonderful daughter Godbless u even more,  virtual hugs.”

Gigi De Lana inspirasyon ang ina kaya nagsusumikap: Siya na lang po ang mayroon ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gerald may payo kay Gigi: Ako ang coach mo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending