Ogie Diaz ipinagtanggol ang mga bagong ‘Eat Bulaga’ hosts: Bigyan natin sila ng enough time to prove their worth
MAY pakiusap ang talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz sa mga dabarkads na bumabatikos sa mga bagong hosts ng “Eat Bulaga”.
Nitong Lunes, June 5, muling napanood ang naturang programa matapos ang ilang araw buhat nang magbititiw sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at iba pang mga dabarkads.
At marami nga sa mga netizens ang tila hindi matanggap na iba na ang mga napapanood kaya naman panay ang kanilang puna sa mga bagong hosts na siyang pinag-usapan nina Ogie, Loi, at Jegs sa kanilang “Showbiz Update” vlog.
Aniya, kahit na ang mga bagong hosts na sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, at Kokoy de Santos ay aminado ring hindi nila mapapantayan ang mga haligi ng “Eat Bulaga”.
“Kahit nga ‘yung mga baguhan na host ng bagong Eat Bulaga ngayon e kaya nilang sabihin na iba pa rin yung original,” pagbabahagi ni Ogie.
View this post on Instagram
Baka Bet Mo: Ogie Diaz may pinaringgang ‘host’: ‘Wag ka masyadong dependent sa teleprompter
Sey pa ng talent manager, naghahanapbuhay lang naman ang mga artistang ito.
“Pero ito ay hanapbuhay na sila ay naatasan lang na magtrabaho. Kung huhusgahan natin sa unang araw pa lang, e hindi natin sila mapu-push na galingan. Unless, magsilbi itong motivation sa kanila para lalo nilang pag-igihan ‘yan,” lahad ni Ogie.
Chika pa nito, nawa’y bigyan ng madlang pipol ang mga bagong hosts ng pagkakataon.
“Bigyan natin ng chance. Trabaho ‘yung kanilang tinanggap. Bigyan natin sila ng enough time to prove their worth,” sabi pa ni Ogie.
Related Chika:
Ogie Diaz nakatanggap nga ba ng mensahe ng pakikiramay mula kina Liza at Enrique?
Bullet Jalosjos masaya para sa TVJ, susuporta at manonood sa bagong show sa TV5
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.