‘Oh, Flamingo!’ may pasabog sa pagdiriwang ng 10th anniversary

Pinoy indie rock band ‘Oh, Flamingo!’ may pasabog sa pagdiriwang ng 10th anniversary

Pauline del Rosario |June 02,2023
facebook
share this

Pinoy indie rock band ‘Oh, Flamingo!’ may pasabog sa pagdiriwang ng 10th anniversary

Pauline del Rosario - June 02, 2023 - 04:23 PM

Pinoy indie rock band ‘Oh, Flamingo!’ may pasabog sa pagdiriwang ng 10th anniversary

PHOTO: Courtesy GNN Entertainment Productions

BONGGA ang nakahandang sorpresa ng Pinoy indie rock band na “Oh, Flamingo!” para sa kanilang fans!

Paano ba naman kasi mala-music festival ang gagawin nilang peg para sa pagdiriwang ng kanilang ika-10th anniversary bilang banda.

Bukod sa concert, magkakaroon din ng anniversary tribute at fan’s day!

Ang lahat ng ‘yan ay sabay-sabay na mangyayari sa 123 Block in Mandala Park sa Mandaluyong City sa July 15, simula 4 p.m.

Ayon sa banda, asahan na tatanghalin nila ang ilang crowd favorites nilang mga kanta, pati na rin ang ilang bagong music na mula sa kalalabas lang na bagong album na “Pagtanda.”

Ibinunyag pa ng grupo na magtatanghal din sa kanilang anniversary concert ang ilang kilalang banda at music artists.

Kabilang na riyan ang The Itchyworms, Ang Bandang Shirley, Ourselves The Elves, Ena Mori, DJ Love, SPIT, The One Pesos, at T33G33.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Kilalanin ang bagong P-pop girl group na ‘Yara,’ mga dapat abangan ng fans

“We’ve always looked forward to celebrating our 10th anniversary,” excited na sinabi ng banda.

Dagdag pa nila, “We’ve been mounting our shows and launches in the past, but it’s always been just the four of us.”

“This year, we are blessed to have GNN on board to make the show the best that it could be,” anila.

Ang nabanggit na mini festival ay inorganize mismo ng “Oh, Flamingo!,” kasama ang GNN Entertainment Productions.

Ang presyo ng tickets ay mula P799 hanggang P1,999 at ito ay mabibila na via bit.ly/HBDOHFLAM10.

Related Chika:

Barbie Almalbis 25 years na sa music industry, makaka-‘jamming’ ang mga dating kabanda

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

EXCLUSIVE: ‘The Vowels They Orbit’ bongga ang pasabog sa kanilang 5th anniversary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending