EXCLUSIVE: ‘The Vowels They Orbit’ bongga ang pasabog sa kanilang 5th anniversary | Bandera

EXCLUSIVE: ‘The Vowels They Orbit’ bongga ang pasabog sa kanilang 5th anniversary

Pauline del Rosario - March 13, 2023 - 11:31 AM

EXCLUSIVE: ‘The Vowels They Orbit’ bongga ang pasabog sa kanilang 5th anniversary

PHOTO: Courtesy Sony Music Entertainment

PUNONG-PUNO ng sorpresa ang Pinoy indie/rock band na “The Vowels They Orbit” kasabay ng pagdiriwang ng kanilang 5th anniversary sa music industry.

Bukod kasi sa inilabas na bagong album ay nagkaroon pa sila ng bonggang performance kasama ang ilang OPM artists.

Kabilang na riyan si Syd Hartha, pati na ang mga banda ng “I Belong to the Zoo,” “Autotelic,” “Hey June!,” “Banda ni Kleggy” at “Better Days.”

At bilang isa ang BANDERA sa mga naimbitahan sa official release ng bagong album ng “The Vowels They Orbit” ay hindi na namin pinalampas ang pagkakataon na ma-interview sila.

Ang nasabing banda ay binubuo ng limang miyembro na sina Nikka Melchor, Patch Javier, Jeremy Sayas, Hannah Dela Cruz at Gene Santiago.

Nakwento nila na taong 2018 pa nabuo ang kanilang banda, pero sampung taon na silang magkakakilala.

“Nabuo kami exactly five years ago, March 11 2018. So it’s our 5th year anniversary. So magkakilala na kami before ever since college 2013. So actually it’s been 10 years,” sey ni Nikka.

Ibinahagi rin nila sa BANDERA ang ibig sabihin ng kanilang band name at paano nila ito nabuo.

Paliwanag ni Gene, “Pinaka basic na explanation, kasi diba lima ‘yung vowels – lima kami. Kaya ‘they orbit’ kasi sa gabi dati tuwing nagpa-practice kami sa bahay nagsa-stargazing sila. May nakikita raw silang bituin.”

Dagdag pa ni Nikka, “Pero in connection din sa music, para kaming nag-oorbit. Kasi when it comes to music, chill lang.”

PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

At gaya nga sa nabanggit, may nilabas na bagong album ang banda kasabay ng kanilang anibersaryo.

Ito ang sophomore EP na pinamagatang “tuloy tuloy tuloy!” under Sony Music Entertainment na isang follow-up sa nauna nilang album na “Ang Unang Ikot.”

“Something special about this is that I’m not the only one who wrote the songs here. I’m not the one that you hear on main vocals. It’s really a collaboration of all five of us,” pagbabahagi ni Nikka.

Dagdag pa niya, “But I guess the meaning of this EP is a continuation of our first EP ‘Ang Unang Ikot.’ It’s like we’re caught in the cycle of our own emotions kaso lang we decide to continue.”

“Para siyang may tagline na kahit tuloy-tuloy lang ang pangyayari sa buhay natin, tuloy lang. Tuloy lang tayo,” aniya.

Nabanggit pa ng banda na ilan lamang sa mga naging inspirasyon nila sa paggawa ng mga kanta ay ang OPM band na Moonstar88 at ang Swedish rock band na The Cardigans.

“Mainly talaga sa EP na ‘to, The Cardigans talaga, internationally. But ever since na nabuo kami, Moonstar88 talaga ‘yung inspirations namin and we see them as our mentors din,” sey ng The Vowels They Orbit.

Sinabi pa nila na kung mabibigyan sila ng pagkakataon daw ay nais nilang maka-collaborate ang nabanggit na dalawang banda – ang Moonstar88 at The Cardigans.

“We like listening to nostalgic music and I think sila ang parang best example sa Pilipinas,” saad ni Nikka sa nais na makatrabaho ang Moonstar88.

Patuloy pa ng main vocalist, “Sobrang dami pang iba, pero simple lang e. Kahit kami, simple kami magsulat ng songs. Alam kong mahilig silang mag two chords, ako din two chords lang ako kapag nagsusulat so I feel like may similarity not because of that kasi siyempre naka-build na rin kami ng connection with them,”

PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

Sa huli ng aming interview sa kanila ay nagbigay sila ng mensahe para sa kanilang fans at patuloy na sumusuporta sa kanilang banda.

“To our dear fans and friends and families and everyone else who admire our band, we admire you too guys. And we are very thankful sa support niyo and you’re one of the reasons why we continue to play and make music because we love playing and you guys like our music so we’ll make more for you guys. So we love you,” masayang sinabi ng banda.

Related Chika:

Janine Berdin may sariling banda na: This is my dream…this means the world to me

Chito tuwang-tuwa sa mga alaga ni Neri: Ayus! May chicken ka na, may itlog ka pa!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chito napa-throwback sa pagsisimula ng Parokya ni Edgar; ‘asar-talo’ kina Neri at Angel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending