Chito tuwang-tuwa sa mga alaga ni Neri: Ayus! May chicken ka na, may itlog ka pa!
Chito Miranda, Neri Naig at Miggy
SINIGURO ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda na hindi pa siya magre-retire bilang musikero at tuloy pa rin ang pagpe-perform ng kanilang banda.
In fairness, parehong na-eenjoy ngayong panahon ng pandemya ng OPM icon ang pagiging singer at composer at ang kanyang family life, lalo na ang pagiging tatay sa anak nila ni Neri Naig.
Sa kanyang Instagram, nag-post si Chito ng mensahe para sa kanilang panganay na si Miggy kung saan ibinahagi nga niya ang mga bonding moments nilang mag-ama.
“Hangga’t maaari, gusto ko talaga na nakakapaglaro si Miggy sa labas ng bahay,” simulang pahayag ng mister ni Neri.
Pagpapatuloy pa niya, “Everyday, sinisigurado ko talaga na nakakapag-walking at nakakapaglaro kami outdoors, kahit gaano pa ako ka-pagod, or kahit sa mga times na mas trip ko lang sana magpahinga sa loob sa ng bahay at mag-Netflix.
“Sobrang thankful lang din talaga ako na sobrang dami kong free time ngayon kasi walang work kaya pwede ako mag-spend ng time with my family as much as I want, unlike before
“Oks lang yan. Never naman ako tumigil magtrabaho mula 1993 eh…kaya alam ko na I deserve it hehe!” aniya pa.
Kasunod nito, nabanggit nga ni Chito ang tungkol sa kanyang banda, “Don’t worry…di naman ako magreretire. May gig nga kami kanina eh, tapos may bago kaming album.
“Mas enjoy lang talaga ako ngayon sa buhay kasi wala akong schedule na kelangan sundan, or deadlines na kelangan problemahin.
“I could take my sweet time doing whatever I feel like doing. Eto na yun…eto na yung goal ko,” pahayag pa niya.
Samantala, sa isa pa niyang post siniguro rin ng singer na kahit ano pa ang mangyari ay ready siya, dahil matagal na rin niyang pinaghandaan ang kanyang kinabukasan, pati na ng pamilya nila ni Neri.
“Bago pa mag-lockdown, ‘prepper’ na ako. Hindi naman super hardcore, pero masasabi ko prepared ako sa kahit anong situation na maaaring mangyari.
“Nu’ng nag-lockdown, nahawa sa akin si Neri hehe! Matagal na syang mahilig magtanim, pero mas nag-focus sya sa mga veggies and crops na makakadagdag sa pang-araw araw namin na food.
“Nag-decide din sya mag-alaga ng manok. 2 lalake, 4 na babae. Sobrang saya ko kasi nangitlog na yung mga alaga nyang manok. Sa isang linggo nakaka-almost 20 eggs sila hehe!
“Sabi ko yung next batch ng eggs, hayaan nyang mapisa para madagdagan yung mga manok nya tapos gawan nalang namin ng mas malaking kulungan sa lupa namin sa likod.
“Ayus din eh. May chicken ka na, may itlog ka pa,” pahayag pa ni Chito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.