Paolo miss na miss na si Summer, nais bisitahin ang anak sa U.S.

Paolo Contis miss na miss na si Summer, nais bisitahin ang anak sa U.S. pero…

Pauline del Rosario |June 02,2023
facebook
share this

Paolo Contis miss na miss na si Summer, nais bisitahin ang anak sa U.S. pero…

Pauline del Rosario - June 02, 2023 - 01:10 PM

Paolo Contis miss na miss na si Summer, nais bisitahin ang anak sa US pero…

PHOTO: Instagram/@paolo_contis

INAMIN ng Kapuso actor na si Paolo Contis na araw-araw niyang nami-miss ang kanyang anak kay LJ Reyes na si Summer.

Na-interview ng entertainment correspondent na si Nelson Canlas ang aktor at dito niya inihayag ang kanyang nararamdaman pagdating sa anak.

“They don’t believe me, I don’t care, but that’s how I feel. I miss Summer every day, I really do,” sey niya.

Dagdag pa niya, “I have videos of her. I always watch [them] every time I wake up. I look at pictures all the time.” 

Hiling pa ng aktor na maging maayos na ang lahat sa pagitan nila ng dating asawa at para madalas na niyang makasama ang kanyang anak.

Baka Bet Mo: Paolo Contis inaming may mga nagawang pagkakamali kay LJ Reyes: ‘Pero marami pang hindi alam ang tao’

Sambit ni Paolo, “Kapag sabihin na natin napatawad ako at mas magaan na ‘yung mga bagay bagay, I hope we can get to talk and kumbaga come to an agreement na makita ko si Summer and you know at least talk to her regularly.” 

Sabi ni Paolo, pwede naman niya puntahan sa United States ang anak, pero siyempre nais pa niyang humingi ng permiso kay LJ.

Paliwanag niya, “Una sa lahat pupunta ko sa isang lugar na una, mahal, mahal puntahan ‘di ba, hindi naman to mamanehuhin mo lang at pag hindi pala okay babalik ka lang, hindi. Siyempre marami kang kino-consider ‘di ba? So of course I wanna be sure.”

“At saka ako naniniwala ako, respeto rin sa kanila. Ayokong nambibigla, ‘di ba? Hindi puwedeng ‘nandito ko’ ganyan, respeto mo ‘yon sa kanya, respeto ko sa nanay niya who na nandoon din,” dagdag pa niya.

Giit ng aktor, “Gusto ko na kung pumunta ako, merong approval kasi ayoko rin ng gulo, ayokong mabigla sila, ayokong maguluhan sila doon.”

“I believe it takes time, I know her it will really take time, especially sa nangyari din sa amin hindi rin naman simple di ba, so naniniwala ako it will take time,” ani ni Paolo.

Matatandaang September 2021 nang kumpirmahin ni LJ na hiwalay na sila ni Paolo at kasunod nga nito, lumipad na siya patungong Amerika para doon na manirahan kasama ang dalawang anak.

At kamakailan lamang ay ibinandera nga ni LJ na engaged na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Related Chika:

Hirit ni Lolit, LJ hindi dapat ilayo ang mga anak sa kanilang ama: Paolo was trying to be a good father

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paolo Contis binati si Summer sa kanyang birthday, makikipag-ayos na nga ba kay LJ?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending