Paolo Contis nagbigay ng 'clue' sa dahilan kung bakit sila naghiwalay ni LJ Reyes: 'It will never justify what I did' | Bandera

Paolo Contis nagbigay ng ‘clue’ sa dahilan kung bakit sila naghiwalay ni LJ Reyes: ‘It will never justify what I did’

Ervin Santiago |June 01,2023
facebook
share this

Paolo Contis nagbigay ng ‘clue’ sa dahilan kung bakit sila naghiwalay ni LJ Reyes: ‘It will never justify what I did’

Ervin Santiago - June 01, 2023 - 03:53 PM

Paolo Contis nagbigay ng 'clue' sa dahilan kung bakit sila naghiwalay ni LJ Reyes: 'It will never justify what I did'

KUNG babalikan ng Kapuso actor at online host na si Paolo Contis ang paghihiwalay nila ni LJ Reyes, sana raw ay walang nasaktan at nadamay na ibang tao.

Aminado naman si Pao na talagang nagkamali siya sa mga naging desisyon niya noong nagsasama pa sila ni LJ kasama ang anak nito kay Paulo Avelino na si Aki at anak nilang si Summer.

Walang binanggit na pangalan si Paolo sa panayam sa kanya ng “Updated with Nelson Canlas” podcast pero alam naman ng lahat na ang huling nakarelasyon niya ay si LJ.

Rebelasyon ng aktor at boyfriend ng aktres na si Yen Santos, napakalaki ng partisipasyon ng COVID-19 pandemic sa naging breakup nila ni LJ dahil dito raw nagsimula ang kanilang mga isyu at problema.

“I can say that during the pandemic, it was just not easy for us,” simulang pagbabahagi ni Paolo.

“It’s just, iba yung way ko of facing the pandemic, dealing with the pandemic. Iba rin yung sa kaniya.

“And ako, masasabi ko na somehow, I was insensitive about how she felt about the pandemic. And I think yon, mali ko rin ‘yon,” ang diretsahang pag-amin ng Kapuso actor-comedian.

“Siguro I’ll leave it at that, again it will never justify what I did, it will never justify kung saan siya napunta.

 

Baka Bet Mo: Paolo Contis masaya para sa engagement ni LJ Reyes: She deserves to be happy

 

“Ang mali ko diyan is we never really had a good conversation to talk about everything,” aniya pa.

Naniniwala rin siya na lahat ng mga nangyayari sa isang relasyon, masaya man iyan o malungkot o masakit, ay may dahilan at pinanggagalingan.

“But again, some people face it or deal with it better, some people deal with it poorly. I cherish everything naman na pinagdaanan ko, especially the happy days. Of course, lahat yon, okay yon,” ang paliwanag pa ni Pao.

Dugtong pa niya, “But again, as I always say, I believe that my last relationship, ‘yan ‘yong pinaka kumbaga poorly handled ko, that I can say.”

Pagpapatuloy pa niya, “Alam ko nasaktan ako sa fact na ang laki ng impact ng mga nasaktan ko, especially that’s her side, di ba?

“If only I could have, you know, fixed it better na hindi siguro naging ganun kalaki yung impact, kasi maraming nasaktan, hindi lang naman isang tao. So maraming nadamay, so para sa akin, that was my mistake,” katwiran pa niya.

Matatandaang September, 2021, nang kumpirmahin ni LJ na hiwalay na sila ni Paolo at kasunod nga nito, lumipad na siya patungong Amerika para doon na manirahan kasama ang dalawang anak.

At kamakailan lamang ay ibinandera nga ni LJ na engaged na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Reaksyon ni Pao sa engagement ni LJ, “She deserves to be happy.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Paolo Contis umaming dyowa na si Yen Santos, nagpakatotoo sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes: ‘May mga kalokohan din akong ginawa’

Paolo Contis sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes: ‘Bakit ako magso-sorry sa tao? Wala naman silang kinalaman sa mga nangyari’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending