Paolo Contis masaya para sa engagement ni LJ Reyes: She deserves to be happy
MASAYA ang Kapuso actor na si Paolo Contis para sa kanyang dating karelasyon na si LJ Reyes.
Ito ay kasunod ng bonggang revelation ng TV host-actress ukol sa kanyang engagement sa non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.
Nitong May 30, Martes, ibinandera ng dating karelasyon ni Paolo ang nga larawan na kuha noong araw na nag-propose sa kanya si Philip.
Kalakip nito ang caption na mula sa isang bible verse. “Jeremiah 29:11: ‘For I know the plans I have for you,’ says the Lord. ‘They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.’”
Kaya naman natanong ang aktor kung ano ang masasabi nito ukol sa latest news patungkol kay LJ.
“Of course, I’m very happy for her. She deserves to be happy,” saad ni Paolo kay Nelson Canlas sa pamamagitan ng text message.
View this post on Instagram
Baka Bet Mo: LJ Reyes engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend, ano kayang reaksyon ni Paolo Contis?
Matatandaang mainit na pinag-usapan noon sa showbiz world ang kanilang paghihiwalay ni LJ matapos ang anim na taong pagiging magkarelasyon.
Nabiyayaan rin sila ng isang anak, ang cute na cute na si Summer, sa loob ng kanilang matagal na pagsasama.
Matapos ang paghihiwalay nina Paolo at LJ, nagdesisyon ang huli na lumipad pa-Amerika kasama si Summer at si Aki, anak niya kay Paulo Avelino.
Sa isang panayam noon ng aktor ay inamin nitong nami-miss na niya ang anak at nakikipag-ugnayan na ang kanyang lawyer kay LJ at naghihintay na lang ng go signal kung kailan nito pwedeng bisitahin ang anak.
Samantala, inamin naman na ni Paolo na in a relationship siya sa kanyang leading lady sa pelikulang “A Faraway Land” na si Yen Santos.
Related Chika:
Paolo Contis inaming may mga nagawang pagkakamali kay LJ Reyes: ‘Pero marami pang hindi alam ang tao’
Paolo Contis balak bisitahin si Summer; deadma sa interview ni LJ
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.