LJ Reyes engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend, ano kayang reaksyon ni Paolo Contis? | Bandera

LJ Reyes engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend, ano kayang reaksyon ni Paolo Contis?

Ervin Santiago |May 30,2023
facebook
share this

LJ Reyes engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend, ano kayang reaksyon ni Paolo Contis?

Ervin Santiago - May 30, 2023 - 10:51 AM

Sey mo Paolo Contis...LJ Reyes engaged na sa kanyang non-showbiz dyowa

LJ Reyes at Philip

CONFIRMED! Engaged na ang Kapuso actress at celebrity mom na si LJ Reyes sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Nag-propose na kay LJ ang dyowa niya na base sa pangalang naka-tag sa kanyang post ay nagngangalang Philip Evangelista.

Ibinandera ng ex-live in partner ni Paolo Contis sa kanyang Instagram at Facebook page ang ilang litrato na kuha sa ginawang proposal ng kanyang non-showbiz fiancé sa isang beach resort.

Ang caption na inilagay ni LJ sa kanyang IG at FB post ay mula sa isang Bible verse, “‘For I know the plans I have for you,’ says the Lord. ‘They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.’ — Jeremiah 29:11 NLT.”

Base sa mga litratong nakita namin, obvious na obvious ang naramdamang kaligayahan ni LJ nang lumuhod na sa kanyang harapan ang dyowa habang isinusuot ang engagement ring sa kanyang finger.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)


Nang i-check namin ang IG account ni Philip ay naka-private ito kaya wala kaming nakuhang impormasyon about him. Wala rin kaming makitang official o verified account niya sa Facebook.

Baka Bet Mo: Paolo biglang naging kontrabida; LJ kinampihan ng madlang pipol

Bumuhos naman ang pagbati sa aktres at sa kanyang fiancé mula sa netizens at sa mga local celebrities na tuwang-tuwa sa bagong milestone sa buhay ng kanilang kaibigan.

Ilan sa mga nag-congratulate sa engaged couple ay sina Marian Rivera, Iza Calzado, Andrea Torres, Camille Prats, Ryza Cenon, Carla Abellana, Joyce Ching, Sheena Halili, Kaye Abad, Nikki Valdez, Melissa Ricks, Gary Valenciano at marami pang iba.

In fairness, maraming na-shook sa announcement nina LJ at Philip tungkol sa kanilang engagement dahil wala namang nababalita na meron nang dyowa ang aktres.

Tatlong taon nang naninirahan ngayon si LJ sa Amerika kasama ang mga anak na sina Aki at Summer. Iniwan niya ang Pilipinas matapos ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ni Paolo.

Samantala, abangers ngayon ang madlang pipol kung ano ang magiging reaksyon ni Paolo sa engagement ng dati niyang partner at nanay ng anak niyang si Summer. Mag-propose na rin kaya siya kay Yen Santos? Yan ang ating tututukan!

LJ dedma lang sa pagso-sorry ni Paolo; super enjoy sa New York Fashion Week sa US

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit dumepensa para kay Paolo: Hindi lang naman babae ang hurting…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending