Lolit dumepensa para kay Paolo: Hindi lang naman babae ang hurting... | Bandera

Lolit dumepensa para kay Paolo: Hindi lang naman babae ang hurting…

Therese Arceo |September 02,2021
facebook
share this

Lolit dumepensa para kay Paolo: Hindi lang naman babae ang hurting…

Therese Arceo - September 02, 2021 - 02:49 PM

LJ REYES AT PAOLO CONTIS

MATAPOS ang exclusive interview ni LJ Reyes kay Boy Abunda kahapon, Setyembre 1, maraming netizens ang mas lalong nainis kay Paolo Contis.

Knowsung naman ng madlang pipol na hindi goody goody ang image ni Paolo eversince pero simula nang maging sila ni LJ ay minahal siya ng taumbayan lalo na ng itinuring niyang anak ang panganay nitong si Aki.

Ngunit matapos ang naging interview ay bumalik ang disgusto ng ilan sa kanila lalo na’t marami ang nabunyag sa interview.

Bagama’t hindi nakumpirma kung third party ba ang dahilan o kung may issue financially, mukhang sapat na sa netizens ang sakit na nararamdaman ng aktres para kagalitan ang aktor. Bukod pa rito, tinawag na “manipulator” ni LJ si Paolo dahil nakakaya nitong paniwalain siya sa mga sinasabi nito sa kaniya.

To the rescue naman ang talent manager ni Paolo na si Lolit Solis para depensahan ang alaga.

“Iyon broken relationship hindi lang babae ang hurting. Sa mga nakita ko madalas pa ngang in pain at mas mahirap mag move on iyon lalaki dahil hindi tulad ng babae na open sa kanilang nadarama, mas madalas na itinatago ng mga lalaki ang tunay nilang feeling,” saad nito sa kaniyang IG account.

Ayon pa sa post niya, ayaw raw ng kalalakihan na malaman na in pain sila at para walang masabi na may pagsisisi sila sa nasirang relasyon ay tumatahimik na lang raw ang mga ito.

“I feel for Paolo Contis and LJ Reyes. Matagal rin ang naging relasyon nila, nagkaruon sila ng anak, at ngayon ay hiwalay na sila. Imposible na hindi sila parehong nasaktan. Imposible na hindi sila apektado. Kahit siguro naging mas matindi ang problema kaya hindi nila nakaya at humantong sa hiwalayan, sana naman walang bitterness na mamagitan.

“Nasaktan sila pareho, puwedeng mas sumuko ang isa at hindi nakaya, pero sana iyon naging pagmamahal nila sa isa’t isa ang maging lasting memory para na rin kay Summer. Puwede naman hiwalay kayo pero nandun pa rin sa mga puso nyo ang pagmamahal, dahil nga hindi naman siguro magkakaroon ng Summer kung wala ang love,” pagpaptuloy nito.

Aniya, sa ngayon ay masakit pa kaya mas mabuti kung tatagimik na lang sila oara makaiwas na makapagsabi ng masasakit na salita na pagsisisihan rin ng mga ito sa huli kapag humupa na ang kanilang galit.

“So sad for Paolo and LJ. It was not meant to be, pero sana makatagpo pa sila pareho ng happiness in their journey. Let Summer be the sunshine of their life. Sana maging friends pa rin sila.” hiling ni Lolit para sa dalawa.

Marami namang netizens ang hindi agree sa statement ni Manay dahil paano raw na nasasaktan ang aktor gayong hindi na nito tinanggap ang mag-anak nang subukan ni LJ na ayusin ang relasyon.

Marami ring netizens ang imbyerna kay Manag dahil sa inilabas nitong “mutual” ang desisyon ng dalawa na maghiwalay dahil taliwas ito sa naging panayam kay LJ.

Chika pa ng isang netizen, dinedepensahan at pinagtatakpan lang ni Manay ang kaniyang alaga dahil baka i-boycott ito ng madlang pipol at wala na siyang kitain sa aktor.

Sa ngayon ay nananatili pa ring tahimik si Paolo Contis. Hindi man kinumpirma ni LJ kung may third party, marami pa rin ang nagdadawit sa co-star nitong si Yen Santos bilang dahilan ng panlalamig ni Paolo sa ina ng kanilang anak.

Kasalukuyang nasa New York si LJ kasama ang anak na sina Aki at Summer. Ito ang naisip ni LJ na paraan para ilayo ang mga anak at protektahan ito sa mga isyung kinakaharap nila ng dating partner.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang BANDERA sakaling naisin nina Paolo Contis at Yen Santos na magbigay ng kanilang side of the story ukol sa isyu na kanilang patuloy na kinakaharap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending