Paolo biglang naging kontrabida; LJ kinampihan ng madlang pipol | Bandera

Paolo biglang naging kontrabida; LJ kinampihan ng madlang pipol

Reggee Bonoan |September 02,2021
facebook
share this

Paolo biglang naging kontrabida; LJ kinampihan ng madlang pipol

Reggee Bonoan - September 02, 2021 - 04:38 PM

LJ Reyes at Paolo Contis

WALANG nakuhang simpatya si Paolo Contis mula sa publiko sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes na nakasama niya ng anim na taon.

Biniyayaan sila ng anak na babae na ngayon ay dalawang taon na, si Summer. Si Paolo na rin ang tumayong ama ng panganay ni LJ na si Aki (anak nila ng aktres kay Paulo Avelino).

Nang hindi pa nagsasalita si LJ para kumpirmahin na hiwalay na sila ni Paolo ay ang aktor na ang sinisisi ng ilan dahil nga sa umano’y record nito pagdating sa babae na iisa ang kuwento.

Naging karelasyon noon ng aktor sina Desiree del Valle, Nancy Castiglione, Isabel Oli at si Lian Paz na naging asawa niya pero annulled na.

Sa mga nabanggit ay bukod tanging si Lian ang nagsalita tungkol sa hindi magandang paghihiwalay nila ni Paolo kasama na ang hindi nito pagbibigay ng sustento sa kanilang mga anak na sina Xalene at Xonia na pawang mga dalagita na.

Hati ang reaksyon ng tao noon dahil siguro hindi ganu’n kasikat si Lian kumpara kay Paolo bukod pa sa nabalitang may boyfriend na rin noon ang una.

At ngayong nagsalita na si LJ na hiwalay na sila ni Paolo ay nakuha nito ang simpatiya ng lahat at vindicated si Lian dahil ganito rin ang kuwento niya tungkol sa aktor.

Sabi ni @Donna Lou Arranguez, “I can’t believe this woman’s control of emotions and still being able to be deliver what’s asked of her very carefully despite the pain she’s in. I just hope one day you’ll find happiness regardless if it’s being with someone or not.

“I don’t think anybody can actually complete a person. You complete you. You may have to start again but with your kids with you, you’ll be in that state in your life you’ve been longing in no time. Stay strong and healthy!”

Strong woman naman ang paglalarawan ni @Eps Ocampo kay LJ, “You’re a strong woman, LJ. She chooses her words, para hindi pa rin masira si Paolo despite sa mga ginawa niya. She’s in so much pain but still she is still in control of her emotions. Let yourself feel the pain, cry if you may, surrender everything to God. Accept & move forward. God Bless you, LJ.”

Ganito rin ang sabi ni @Jenilyn Balanay, “It’s always the children who’s suffering pagdating sa hiwalayan ng mga magulang ang sakit lang pakinggan ‘yung mga sinasabi ni Lj tagos sa puso. The way she talks the way she delivered her words mafe-feel mo talaga ‘yung pain na nararamdaman n’ya ngayon. Stay strong Lj. Kaya mo yan God loves you and your Children.”

Pabor din si @Kae Quin dahil naranasan na niya ang pinagdaraanan ngayon ni LJ, “I feel her pain even though I’m not in a married situation. It happens for me before. I feel that something really change, it was so strange. ‘Yung tipong palagi s’yang nandyan sa tabi mo then suddenly change. Na-feel mo ‘yung cold between your relationship. Hinintay at hiningi ko rin sa Diyos yung sign kung anong dapat kong gawin na sana kung ano mang desisyon ko naaayon sa kanyang plano. Kaya kinausap ko sya , makikipaghiwalay sana ako but I was so speechless that time.

“Iyak lang ako nang iyak until sya na tinanong ko kung anong gusto nya between us (gusto nya sana umuwi nalang kami but I still keep on asking him kase alam kong ganun pa rin sya sakin if we didn’t talk about it) until He said, ‘tapusin na muna natin to’ I still keep on crying. Ofc, masakit talaga lalo na’t seryoso at mahal mo yung isang tao.  Nalaman ko rin yung reason about our breakup at ‘yung bigla nyang pagbabago because of her ex girlfriend.

“It was painful when I finally know the truth. Saddest part kami na ulit ng malaman ko ‘yung totoo. Ilang buwan din bago ko naungkat lahat ng katotohanan. But still thankful sa nangyari. Nang dahil sa breakup na yun kahit di ko pa alam yung reason, naging strong ako and I learned a lot from it. For Ate LJ, Hope you get better soon.  Just be strong and have faith. God Bless You ate.”

Say naman ni @bingaf, “Sa mga iyak palang ni LJ halatang naka strike 2 nanaman si gagong Paolo kapal muks hays ‘yung ginawa kay Lian ayan ginawa din kay LJ nakaka galit hilig pa anakan tapos iiwan din pala. Yes, I remembered Lian Paz. Abandoned, broken, confused at distraught sya noon.”
Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Paolo Contis.

* * *

Malapit nang matupad ang pangarap ng isang binata na bumida sa sarili niyang  online Kapamilya show dahil mula sa apat na finalists, kokoronahan na ng ABS-CBN ang “Ultimate Bida Star: Boy Next Door” ngayong Set. 8, 6 p.m. sa Star Hunt Facebook page at kumu channel. 

Isang matinding acting challenge ang haharapin ng apat—Cyrill Tumamak ng Paranaque, Dustine Mayores ng Manila, Red Mendoza ng Las Piñas, at Lee Feng Nuñez mula sa Occidental Mindoro—para masukat ang mga natutunan nila sa buong edisyon ng Bida Star. Manggagaling sa KTX scores, kumu diamonds at judges scores ang final scores nila. Uupong judges para sa nasabing finals ay sina TVDG Head Alex Asuncion, Star Hunt Management Head Raymund Dizon, at Direk Rahyan Carlos. Sa mga gustong sumuporta sa knailang idolo, bukas pa rin ang botohan hanggang Setm 6, 11:59 a.m..  

Ang mapalad na kauna-unahang “Ultimate Bida Star: Boy Next Door” ay mag-uuwi ng P50,000, isang digital film kasama ang iba’t ibang Kapamilya actors, ABS-CBN Management Contract, Star Magic Workshop Scholarship, pagkakataon na mapabilang sa shortlist ng pwedeng ma-interview para sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10,” at bibida sa isang digital show.  

Mula nang buksan ng Bida Star ang pagkakataon para sa 50 Boy Next Door hopefuls, naglaban-laban ang mga ito sa iba’t ibang online acting challenges kung saan hinasa sila ng Bida Star Mentor na si Direk Rahyan Carlos.  

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama nila sa kanilang journey ang hosts na sina Karina Bautista, Aljon Mendoza, Kaori Oinuma at Rhys Miguel na nagbigay ng updates sa mga contestant. Mas nakilala naman ng netizens ang nasabing hopefuls sa “Bida Star Boy Next Door Extra” sa kumu kasama ang Ultimate Bida Star Season 2 Gandang Naturally Fresh na si Ruth Paga. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending