Max Collins 'yellow' ang kulay ng puso ngayon: 'You have to love and respect yourself...' | Bandera

Max Collins ‘yellow’ ang kulay ng puso ngayon: ‘You have to love and respect yourself…’

Ervin Santiago |June 01,2023
facebook
share this

Max Collins ‘yellow’ ang kulay ng puso ngayon: ‘You have to love and respect yourself…’

Ervin Santiago - June 01, 2023 - 07:32 AM

Max Collins 'yellow' ang kulay ng puso ngayon: 'You have to love and respect yourself...'

Max Collins

MUKHANG wala pang balak ang Kapuso actress na si Max Collins na magkaroon ng bagong boyfriend kahit ilang taon na silang hiwalay ng kanyang estranged husband na si Pancho Magno.

Pero ayon kay Max, handa na siyang mag-move forward after the breakup at ready daw niyang gawin ang lahat para sa ikabubuti at sa magandang future ng anak niyang si Skye.

Sa guesting ng Kapuso star sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan ay diretsahan na nga niyang inamin sa publiko na nagdesisyon sila ni Pancho na tapusin na ang kanilang relasyon as married couple.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nangyari raw ito noong kasagsagan ng pandemya pero nagkasundo sila na patuloy na magiging mabuting magulang sa nag-iisa nilang baby. Siniguro ni Max na okay na okay ang co-parenting agreement nila ng dating asawa.

Sa isang bahagi ng panayam sa kanya ni Tito Boy Abunda, natanong nga si Max kung ano na ang lagay ng kanyang puso ngayong isa na siyang single mother.

“Kung ang pag ibig ay traffic light, nasa anong kulay ang puso mo ngayon, red, yellow, or green?” ang tanong ni Tito Boy sa celebrity mom.

“Yellow,” ang mabilis na sagot ni Max. Reaksyon naman ni Tito Boy, “Wow. Pag nasa yellow kasi your looking forward to moving on.”

Baka Bet Mo: Max Collins parte ng ‘Almost Paradise’, Christian Kane aminadong nag-enjoy katrabaho ang aktres

“Yeah, moving on,” pagsang-ayon naman ng aktres.

Pero agad naman niyang nilinaw na, “I’m not looking for anything but I’m not angry and I’m not hurt anymore.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I learned that you have to be honest with your partner. You have to respect yourself, love yourself enough to leave the table when your needs are not being met,” katwiran pa ng aktres.

Dugtong pa niya, “That’s something that I have learned that I need to love myself more to know what makes me happy and what can make me the best version of myself because you only have one life.”

Kung matatandaan, nagsimulang kumalat ang chika na hiwalay na sina Max at Pancho nang magkahiwalay nilang ipinagdiwang ang birthday ni Skye noong 2021.

Samantala, mapapanood si Max sa upcoming action-comedy sitcom ng GMA 7 na “Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis” kasama sina Bong Revilla at Beauty  Gonzalez. Magsisimula na ito sa June 4.

Max Collins nag-explain kung bakit magkahiwalay sila ni Pancho Magno sa 2 b-day party ng anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Max Collins nag-explain kung bakit magkahiwalay sila ni Pancho Magno sa 2 b-day party ng anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending