Max Collins parte ng 'Almost Paradise', Christian Kane aminadong nag-enjoy katrabaho ang aktres Bandera

Max Collins parte ng ‘Almost Paradise’, Christian Kane aminadong nag-enjoy katrabaho ang aktres

Therese Arceo |October 06,2022
share this

Max Collins parte ng ‘Almost Paradise’, Christian Kane aminadong nag-enjoy katrabaho ang aktres

Therese Arceo - October 06, 2022 - 08:55 PM

Max Collins parte ng 'Almost Paradise', Christian Kane aminadong nag-enjoy katrabaho ang aktres

KABILANG ang Kapuso actress na si Max Collins sa cast ng season 2 ng “Almost Paradise”.

Ito ay kinumpirma mismo ng celebrity mom sa kanyang Instagram post noong Martes, Setyembre 27.

“Secret’s out! I’m part of Almost Paradise season 2! Can’t wait for you all to watch it,” saad ni Max.

Dagdag pa niya, “So lucky I get to work with this action star @christiankane1.”

Nag-comment naman ang American actor sa naturang post ni Max.

““We are all happy to have you. You Rocked it!! More to come!” sey ni Christian.

Ang “Almost Paradise” ay isang American-Filipino crime-drama TV series na co-production ng Electric Entertainment, CMB Films, at ABS-CBN Entertainment.

Ang unang season nito ay ipinalabas noong March 2021 at ang mga eksena ay kinunan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Matatandaang nitong Agosto ay pumutok ang mga chika sa social media na magiging parte si Max ng isang Kapamilya project.

Sa isa pang Instagram post ay binati rin ng American actor at bida sa “Almost Paradise” ang aktres sa pagiging parte nito sa international series.

“Beauty and the beast! Welcoming the talented Max Collins to #almostparadise So much fun for us to work with her,” saad ni Christian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christian Kane (@christiankane1)

Dagdag pa niya, “I know I look sweaty and disheveled, (beast) but in my defense, right before the picture was taken I did spend over an hour fighting two guys in 114 degree heat. She’ll back me up on this. Welcome Max.”

Related Chika:
Crime-drama na ‘Almost Paradise’ pang-international ang kalidad; huling 2 episode pasabog

Max Collins nag-explain kung bakit magkahiwalay sila ni Pancho Magno sa 2 b-day party ng anak

Kylie Padilla na-spluk na hiwalay na si Max Collins sa asawa

Max Collins, Pancho Magno dedma pa rin sa isyu ng hiwalayan; AQ Prime Stream mahigit 100 katao ang nabigyan ng trabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending