Darren Espanto nilinaw ang tunay na relasyon nila ni Cassy Legaspi: We’re not rushing into anything po talaga…
NAGSALITA na ang singer na si Darren Espanto patungkol sa tunay na relasyon nila ng aktres na si Cassy Legaspi.
Ito ay matapos siyang tanungin sa morning talkshow na “Magandang Buhay” noong May 25.
Kahit kasi ang mga hosts ng programa ay na-curious kung ano talaga ang ganap ng dalawa.
Ayon kay Darren, ine-enjoy pa nila ang isa’t-isa at hindi sila nagmamadali pagdating sa pag-ibig.
“Cassy and I are always very honest when people ask this, there’s nothing happening official or anything,” sey ni Darren.
Dagadag pa niya, “We are just enjoying each other’s time. We’re not rushing into anything po talaga.”
Tinanong naman ang singer kung paano siya napapasaya ni Cassy.
Sinabi ni Darren na laging nandyan para sa kanya si Cassy at ito raw ang nagsisilbi niyang sandalan sa tuwing siya’y nalulungkot.
Baka Bet Mo: Carmina sa espesyal na ‘relasyon’ nina Darren at Cassy: ‘Happy ako for them, may blessing yun!’
“Siyempre si Cassy ang isa sa mga taong parang tinatakbuhan ko kapag medyo down po ako,” sagot ng singer.
“When I need someone to talk to, she’s always there, she’s a great listener, she’s a great person to ask advice for,” saad pa niya.
Ani pa ni Darren, “At saka ang bilis niya pong makapag-lighten ng mood pagdating sa akin. So I’m really just a grateful to have a friend like her.”
Kamakailan lamang ay ibinandera ni Cassy ang nakakakilig niyang birthday message para kay Darren.
Ibinandera ng Kapuso star sa social media ang iba’t-ibang larawan nilang magkasama at may video pa ng moments nila together.
Inisa-isa pa ng aktres kung ano ang mga pinagpapasalamat niya sa singer, tulad ng pagiging patient at pag-aalaga nito sa kanya.
Pinuri pa niya si Darren at sinabihan itong “total package.”
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.