Makagwapo may kundisyon bago ibigay ang P349k, Xander Ford umalma: 'Bakit ikaw ang nagdedesisyon?' | Bandera

Makagwapo may kundisyon bago ibigay ang P349k, Xander Ford umalma: ‘Bakit ikaw ang nagdedesisyon?’

Therese Arceo |May 25,2023
facebook
share this

Makagwapo may kundisyon bago ibigay ang P349k, Xander Ford umalma: ‘Bakit ikaw ang nagdedesisyon?’

Therese Arceo - May 25, 2023 - 08:10 PM

Makagwapo may kundisyon bago ibigay ang P349k, Xander Ford umalma: 'Bakit ikaw ang nagdedesisyon?'
MATAPOS ang pagdedenay at pagsasabing wala siyang ipinangako kay Xander Ford ay nagpasya na si Makagwapo na ibigay ang P349k.

Sa pamamagitan ng isang video na in-upload ng social media personality sa kanyang Facebook page ay sinabi niyang pumapayag na siyang ibigay ang matagal nang tinatalak ni Xander online.

Matatandaang kamakailan ay nanawagan ang dating member ng Hasht5 na si Marlou o mas kilala ngayon bilang si Xander ukol sa “ipinangakong” P349k sa kanya ni Makagwapo at ang pagsagot nito sa binyag ng kanyang anak na si Baby Xeres.

Ngunit tila hindi nagkaintindihan ang dalawa dahil hindi ine-expect ng vlogger na sineryoso ni Xander ang kanyang sinabi na para sa kanya sy biro lang.

Sa una iyang pahayag ay dinenay ni Makagwapo na nangako siya kay Marlou ngunit kalaunan nga ay pumayag na lang ito dahil ayaw na niyang madamay pa ang inosenteng anak ni Xander at masyado na rin siyang naiingayan dito.

Nag-withdraw na siya ng P350k sa bangko para ibigay sa kaibigan ngunit sinabi niyang may kundisyon bago ito makuha ni Xander.

Baka Bet Mo: Xander Ford humingi ng tulong para makuha ang P349k kay Makagwapo, aware na imbyerna sa kanya ang madlang pipol

“Para sa anak mo ‘to. Gusto ko na i-deposit natin ‘to sa bangko ng anak mo, hindi sa’yo. Para sa anak mo ‘to… Kung inaakala mo na gagawin mong negosyo ‘yang anak mo, hindi ‘yun ganon.

“Bali ito na ‘yung pinangako ko sa inaanak ko daw! So inaanak eto na, ‘yung P350,000 ni Ninong,” saad ni Makagwapo.

Dagdag pa niya, nais niyang pumunta sa kanyang bahay para kunin ang pera.

Ngunit umalma si Xander sa mga sinabi ni Makagwapo at hindi raw dapat ito magdesisyon kung ano ang dapat gawin sa pera.

“Una sa lahat Christian Merck Grey, bakit ikaw ang nagdedesisyon para sa amin?” saad ni Xander.

Sey pa niya kay Makagwapo, siya na raw ang bahalang maglagay ng pera sa bangko at siya ang mag-oopen ng account para sa kanyang anak.

Sey pa niya, “Yang binigay mo na yan, yan ay katumbas ng lahat ng mga ginastos ko [sa binyag].”

Hindi rin daw siya pupunta sa bahay ni Makagwapo dahil baka pagtripan lang daw siya nito.

“Bakit mo ko papapuntahin sa bahay niyo? Para ano? Para pagtripan mo ko? Baka mamaya ipabugbog mo ko diyan. Kung gusto mo talagang ibigay at kung totoo talaga yan, ikaw ang magbigay sa akin,” giit pa ni Xander.

Related Chika:
Xander Ford ‘sinisingil’ ng P349k si Makagwapo: ‘Gusto ko lang naman makuha ‘yung para sa amin’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xander Ford iginiit na dapat lang ibigay sa kanya P349k ni Makagwapo: Utang ‘yun!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending