Litrato ni Sen. Chiz habang kumakain ng ice cream pinagtripan ng mga netizens: 'Ay! Pakak na pakak ang kilay!' | Bandera

Litrato ni Sen. Chiz habang kumakain ng ice cream pinagtripan ng mga netizens: ‘Ay! Pakak na pakak ang kilay!’

Ervin Santiago |May 21,2023
facebook
share this

Litrato ni Sen. Chiz habang kumakain ng ice cream pinagtripan ng mga netizens: ‘Ay! Pakak na pakak ang kilay!’

Ervin Santiago - May 21, 2023 - 11:51 AM

Litrato ni Sen. Chiz habang kumakain ng ice cream pinagtripan ng mga netizens: 'Ay! Pakak na pakak ang kilay!'

Chiz Escudero

PAK na pak ang bagong “kilay” ng asawa ni Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero na umaani ngayon ng mga nakakalokang reaksyon sa social media.

Shookt ang mga fans at Instagram followers ng Kapuso actress nang bumandera sa socmed ang litrato ng senador habang kumakain ng ice cream sa isang lugar sa Venice, Italy.

Nag-post kasi si Heart ng mga litrato nila ng kanyang husband na kuha sa mga lugar na binisita at inikot nila sa Venice at dito nga nakita ng mga netizens ang plakado at itim na itim na kilay ng senador.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Ang feeling ng mga IG followers ni Heart, siya ang may pakana sa agaw-eksenang eyebrows ng public servant.

Pero hindi nga lang daw nila matukoy kung nagpa-tattoo na ng kilay si Sen. Chiz o ginamitan lamang ito ng brow pencil o eye liner tulad ng ginagawa ng iba na gustong kumapal ang kilay.

Baka Bet Mo: Janine mala-Princess Diaries ni Anne Hathaway ang drama noon: Hinahabol ako ng tiyani dahil sa kilay ko!

Narito ang mga nabasa naming comments at reaksiyon ng mga netizens.

“Ay pakak ang eyebrows ni Mr @escuderochiz.”

“Microblading is the key,”

“Ang yong kilay mapagmataas at laging namimintas!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chiz Escudero (@escuderochiz)


“Kilay is layp!”

“I’m all for the plakadong kilay!”

“The design is very accla.”

“Ang hirap siguro maging asawa si Heart kasi pati kilay dapat perfect.”

“The design is very microblade the kilay.”

“Politics is life, but kilay is lifer.”

Wala pang reaksyon o sagot si Sen. Chiz sa viral at trending niyang “kilay” photo at maging si Heart ay tila dedma lang sa mga nakakaaliw at nakakalokang reaksyon ng netizens.

Madam Kilay proud na ibinandera ang panganganak: ‘Welcome to the world Baby Lakas!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nanay na-shock sa ginawa ng anak sa mga alagang aso’t pusa: ‘Kilay is life, mommy!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending