Janine mala-Princess Diaries ni Anne Hathaway ang drama noon: Hinahabol ako ng tiyani dahil sa kilay ko! | Bandera

Janine mala-Princess Diaries ni Anne Hathaway ang drama noon: Hinahabol ako ng tiyani dahil sa kilay ko!

Ervin Santiago |August 23,2022
facebook
share this

Janine mala-Princess Diaries ni Anne Hathaway ang drama noon: Hinahabol ako ng tiyani dahil sa kilay ko!

Ervin Santiago - August 23, 2022 - 12:10 PM

Janine Gutierrez

HINAHABOL ng tiyani noon si Janine Gutierrez dahil sa kapal ng kanyang kilay na isa sa mga dahilan kung bakit inaatake siya ng matinding insecurity.

Inamin ng Kapamilya actress na naging mahiyain siya during her elementary days dahil sa kanyang itsura na madalas napapansin ng kanyang mga kaklase.

Aniya, bukod sa makapal niyang kilay, kulot na kulot din daw ang buhok niya.

“Growing up ano eh, napanood niyo ‘yung ‘Princess Diaries’ (movie ni Anne Hathaway) ‘yung bago siya mag-make-over? Ganu’n ‘yung itsura ko, ‘yung pre-makeover na ‘Princess Diaries.’

“Kasi sobrang kulot ng buhok ko. Palagi ngang sinasabi pang-‘Lotlot and Friends’ talaga ang buhok ko, dapat sa ’80s ako ipinanganak,” ang chika ni Janine nang mag-guest siya kahapon sa “Magandang Buhay.”

View this post on Instagram

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)


Dagdag pang kuwento ng anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher, “Tapos ang kilay ko sobrang kapal, Monching naman. So, nu’ng nag-aaral ako ang mga classmate ko hinahabol ako ng tiyani. Tapos everyday naka-ponytail lang ako kasi kapag naglugay ako as in (buhaghag).”

At dahil nga rito, inamin ng dalaga na medyo naapektuhan din siya ng mga panunukso sa kanya ng mga classmates na naging dahilan ng kanyang insecurities.

“Siguro parang mas naging mahiyain lang ako. May moment ako nung Grade 3, ‘di ba class picture, hile-hilera kayo ganyan.

“Eh, maiksi ang buhok ko nung Grade 3, ‘yung classmate ko na nakatayo sa likod ko kalahati ng mukha niya natakpan ng buhok ko sa kapal, promise.

“So pinahaba ko na lang tapos everyday naka-pony ako, tapos pomada, banat ganyan, kasi nahihiya ako.

“Kasi ‘di ba, siyempre sa commercial puro long straight hair. Hindi ka masyado nakakakita ng kulot dati na natural, so mahiyain talaga ako nu’ng bata,” sey ni Janine.

Pero ngayon daw, super proud na siya sa kanyang makapal na kilay na siyang nauuso ngayon among our female celebrities, kabilang na ang youngstar na si Andrea Brillantes na ginagaya na rin ngayon ng fans ang kanyang kilay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tama ‘yung sinabi ni Momshie Regs (Regine Velasquez) na minsan ‘yung akala mong ikaka-insecure mo ‘yun pala ang parang magiging signature mo,” sabi pa ni Janine.

Madam Kilay inalok ni Darryl Yap na gumanap bilang Cory Aquino sa ‘Maid in Malacañang’

Bianca de Vera nag-iiyak nang ma-tow ang sasakyan: Sana pinatapos muna nilang ipa-rebond ‘yung buhok ko

Glaiza may gustong iwan; nagpagupit ng buhok para mas mabilis maka-move on

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending