PAGASA: ‘Ang pagpasok ng bagyo, posibleng hudyat ng tag-ulan’

PAGASA: ‘Ang pagpasok ng bagyo ay posibleng hudyat ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan’

Pauline del Rosario - May 21, 2023 - 11:55 AM

PAGASA: ‘Ang pagpasok ng bagyo ay posibleng hudyat ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan’

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

IHANDA niyo na mga ka-bandera ang inyong mga payong, kapote at ilang panangga sa ulan!

Ayon kasi sa PAGASA, ngayong linggo posibleng magsimula ang panahon ng tag-ulan sa ating bansa.

Sa katunayan nga ay patuloy pa ring binabantayan ng weather bureau ang bagyo na nasa labas ng Mindanao.

Babala pa ng ahensya, maaari itong lumakas pa lalo bago pumasok sa ating teritoryo.

“Sa ngayon ay patuloy ‘yung monitoring dito sa bagyo na nasa labas ng ating PAR. Huling namataan si Tropical Storm Mawar sa layong 2,520 kilometers sa may silangan ng northeastern Mindanao,” sey ni Weather Forecaster Patrick Del Mundo sa isang press briefing ngayong May 21.

Dagdag pa niya, “Within the next 24 hours ay mataas ang tsansa nito na mas lumakas pa into Severe Tropical Storm category…inaasahan natin na possible itong pumasok ng ating Philippine Area of Responsibility by Friday or Saturday.”

Baka Bet Mo: PAGASA: 10 hanggang 14 na bagyo ang aasahan sa bansa ngayong taon

“Bagamat papasok ito ng ating PAR ay mababa pa rin ‘yung tsansa na mag-landfall ito sa anumang bahagi ng ating bansa,” paliwanag pa niya.

Sakaling pumasok sa ating bansa ang nasabing bagyo, papangalanan itong “Betty” at ito raw ang magiging dahilan na mag-uumpisa na ang rainy season.

“Sa pagpasok ni Tropical Storm Mawar sa ating PAR ay tatawagin itong Betty at maaari itong maging hudyat ng pasisimula ng panahon ng tag-ulan sa ating bansa at possible po itong mangyari by this week,” sambit ni Del Mundo.

Sa ngayon ay wala pang epekto sa bansa ang bagyo, ngunit asahan pa rin ang mga pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dulot ng Inter-tropical Convergence Zone (ITCZ).

“Kaya naman sa buong bansa, magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap lamang na na kalangitan at may mga tsansa lamang ng pulo-pulong ng pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa buong maghapon dulot ng mga localized thunderstorms,” paliwanag ng weather forecaster.

Read more: 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

ChiKapalaran (April 17-23, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

PAGASA may bagong instrumento upang ma-monitor ang dami ng ulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending