David Chua, Devon Seron sweet na sweet na nagpakilig sa Summer Blast 2023 music fest, yarn ba ang hiwalay na? | Bandera

David Chua, Devon Seron sweet na sweet na nagpakilig sa Summer Blast 2023 music fest, yarn ba ang hiwalay na?

Ervin Santiago |May 18,2023
facebook
share this

David Chua, Devon Seron sweet na sweet na nagpakilig sa Summer Blast 2023 music fest, yarn ba ang hiwalay na?

Ervin Santiago - May 18, 2023 - 12:11 PM

David Chua, Devon Seron sweet na sweet na nagpakilig sa Summer Blast 2023 music fest, yarn ba ang hiwalay na?

FEELING legit rock star ang chinito hunk at “GoodWill” bida na si David Chua habang hinaharana ang kanyang rumored dyowa na si Devon Seron sa NET25 Summer Blast music festival na ginana sa Philippine Arena last May 13.

Mahigit 150,000 ang nagpunta sa summer shebang sa Philippine Arena na nilahukan ng ilan sa mga bigating OPM bands gaya ng SpongeCola, Rocksteddy, Gloc-9, Silent Sanctuary, Sunkissed Lola, Lunar Lights, Soapdish, Bandang Lapis, Dilaw, Noah Alejandre, at Calista.

Dream come true daw para kay David na mag-perform sa ganu’ng kalaking crowd.

Aniya, “Sobrang saya! Doon ko lang na-realize na marami palang nagmamahal sa aming show, at ganu’n ding karami ang sumusuporta sa loveteam namin ni Devon.”

Tuwang-tuwa raw ang binansagang “Bagong Oppa Ng Bayan” noong bumaba siya ng stage at nakipaghalubilo sa mga fans.

“Feeling rock star talaga ‘ko nu’n! Nakaka-touch lang talaga na ganu’n ka-responsive yung crowd, lalo na nu’ng pumunta ako sa moshpit,” sabi ni David.

“Game na game naman yung mga fans na nakikipag-finger hearts at todo selfie mode,” dagdag niya.

Baka Bet Mo: Karen proud sa ‘pagtatrabaho’ ni David: ‘I encourage more companies to hire people with disabilities & special needs’

Bukod sa mainit na pagtanggap ng fans, todo pasalamat din si David sa walang sawang suporta ng NET25, na itinuturing na niyang second family.

Lahad niya, “Sa NET25 ramdam ko yung pagkakaroon ng pamilya. That’s why I never think twice about showing up for any of their promotional events or activities. I’d gladly do it for them, and I say that galing sa puso.”

Pero teka, ano na nga ba ang latest sa ChuRon loveteam nila ni Devon? Di ba’t kelan lang may naglabasang chismax na break na raw sila at kesyo spotted daw si David na may kasamang ibang girlalu?

Ito rin naman kasing ating rockstar oppa, parang lagi na lang yatang aligaga sa pakikipag-date kung kani-kanino. Elusive bachelor daw?

Abangan na lang natin ang season two ng “GoodWill” at baka naroon lang ang sagot sa mga haka-haka. Balita na level-up raw ang production ng show, dahil kumuha sila ng bagong team of writers, kabilang na ang uber-talented stand-up comic na si Alex Calleja.

At hindi lang yan! Marami pang kaabang-abang na celebrity guests tulad nina Meg Imperial, ang longtime “Eat Bulaga” showdown gurl na si Samantha “Grasya” Lopez, ang biglang pagsulpot ni Miss Korina Sanchez-Roxas sa pilot episode at marami pang iba.

Kasama pa rin sa series ang award-winning na si Raymond Bagatsing, Kat Galang, Smokey Manoloto, Ryan Rems, at James Caraan sa pagbabalik ng barakadang minahal n’yo na.

Kaya save the date at abangan ang “GoodWill” season 2 premiere sa NET25 sa darating na May 27, 4 p.m., bago umere ang “Korina Interviews”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kiko may mensahe para kina Devon at Heaven: Marespeto ako sa past, sa future, sa present

Heaven nagsalita na sa isyu ng hiwalayang Devon at Kiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending