Kiko may mensahe para kina Devon at Heaven: Marespeto ako sa past, sa future, sa present
BINASAG ng Kapamilya actor na si Kiko Estrada ang kanyang pananahimik ukol kontrobersyal na pag-amin nila ng girlfriend na si Heaven Peralejo.
Ang lubos na epekto ng pangba-bash kay Heaven ang nagtulak sa binata para magsalita at dipensahan ang minamahal.
Ayon kay Kiko, mahigit dalawang taon ang naging pagsasama nila ng kapwa artistang si Devon. Nangyari daw ang kanilang hiwalayan noong Valentines’ Day, Feb. 14, 2021.
Pumasok sa buhay niya ang Kapamilya actress at co-star sa “Bagong Umaga” isang buwan matapos ang paghihiwalay nila ni Devon.
Paglilinaw ng aktor, wala pa sila ni Heaven noon. Nag-uusap lang daw sila at nasa getting to know stage pa.
“We were formed through the adversity, through the hardships, through the issue. We became closer, so I would never expect na magiging kami, in any way, form or whatsoever. Nakakalungkot lang na it had to be this way,” paglalahad ng binata.
Bilang dating talent manager ni Heaven, kita naman kay Ogie Diaz ang pagnanais nitong protektahan ang dating alaga na lubos na naaapektuhan sa sitwasyon. Si Heaven kasi ang halos tumatanggap ng pangba-bash ng netizens dahil siya ang itinururong nang-agaw ng karelasyon ng iba.
“‘Yun na nga po Tito, kaya ako nandito just to clarify everything. I think it is long overdue kasi I’m the type of man na marespeto ako sa past, sa future, sa present.
“I don’t really talk about my private life but this is going overboard na kasi. I just want them to know the truth and to know the specific timeline from me,”
Dito nga muling inilahad ng aktor na nag-break sila ni Devon noong February 14, 2021 at naging sila ni Heaven noong May 13, 2021.
Hindi rin maintindihan ni Kiko kung bakit pilit pa ring idinidiin na mang-aagaw si Heaven. Sa tingin niya ay pinaniniwalaan lang ng tao ang nais nitong paniwalaan.
“That’s why I stopped (using) social media kasi alam ko naman na people will judge you no matter if they know everything or they truly know who you are. I gave up on the whole point na parang I want them to understand. I want them to really know the truth.
“I know that they will believe whatever they want to believe but seeing the person you love hurt by lies or by fabricated truths, it takes like a man to stand up, to tell the truth, to tell what really happened.
“I’m a private guy and you know this. Nakakalungkot lang na I had to reach to this point to show or to tell everyone the truth,” saad ng binata.
Nahihirapan na rin kasi itong makita na malungkot ang taong minamahal niya. Dagdag pa niya, okay lang raw ang bashing pero tao lang rin sila at naaapektuhan rin.
Lubos nga raw nakaapekto sa kanila ang pag-aakusa ng netizens sa kanila bilang “cheater” at “third party” dahil wala raw itong katotohanan.
Hindi rin daw naging maganda ang naging break-up nila ni Devon. Nirerespeto rin daw niya ang ex at ang pamilya nito. Naiintindihan niya rin daw na nasaktan ang mga ito kaya hindi maganda ang mga salitang nabitawan laban sa kanya ngunit hinihiling niya na sana ay tumigil na ang mga ito ay mag-move on.
Akala rin ng binata ay hindi rin magtatagal ang isyu at mawawala rin ngunit nagkamali siya dahil lumaki nang lumaki ang isyu at nasaktan na nang sobra ang minamahal.
Mensahe naman ni Kiko para kay Devon, “I just hope she’s well. I hope she gets the best in life. I wish her the best and she deserves the best and I am not the best for her. I’m sure that there’s someone who’s gonna love her the way she wants to be loved. And I have no ill-will towards her and her family because I respect them.”
At para naman sa kanyang iniibig na si Heaven, isang sweet message naman ang alay ni Kiko.
“Keep strong and we’re gonna get through this. You’re gonna get through this. You’re a strong girl. You’re beautiful. You’re kind. You’re generous. So all these adversities that we’re going through, we’ll fight through it.
“And I believe na the strongest people go through The hardest adversities to make them strong.”
Ayon sa aktor, sana raw ay si Heaven na ang kanyang “the one”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.