Sister ni Devon Seron may hugot sa mga 'ahas', sino kaya ang pinatatamaan? | Bandera

Sister ni Devon Seron may hugot sa mga ‘ahas’, sino kaya ang pinatatamaan?

Ervin Santiago, Therese Arceo |August 19,2021
facebook
share this

Sister ni Devon Seron may hugot sa mga ‘ahas’, sino kaya ang pinatatamaan?

Ervin Santiago, Therese Arceo - August 19, 2021 - 04:24 PM

Devon Seron, Kiko Estrada at Heaven Peralejo

SINIGURO ng aktres na si Devon Seron sa kanyang mga fans at social media supporters na okay na okay ang kalagayan niya ngayon.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi niya sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta na walang dapat ipag-alala ang mga ito dahil maayos at masaya naman siya sa buhay sa kabila ng mga challenges na kinakaharap niya.

Ibinahagi ito ni Devon ilang araw matapos kumpirmahin ng ex-boyfriend niyang si Kiko Estrada na girlfriend na niya ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo.

“I’m doing great, sweetie,” ang maikli ngunit makahulugang pahayag ng dalaga. Pinusuan at ni-like ito ng mga netizens at nagsabing makakakita pa siya ng lalaki na mas higit pa kay Kiko.

Bago pa umamin sina Kiko at Heaven sa kanilang relasyon, parehong nanega ang dalawa dahil feeling ng fans ni Devon ay naghiwalay ang aktres at si Kiko nang dahil kay Heaven.

Ngunit itinanggi naman agad ito ni Heaven, “I’m not the reason behind their breakup. I’m not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup.”

Samantala, kung may number one na tagapagtanggol si Devon yan ay walang iba kundi ang sister niyang si Dhemy Seron, na naninirahan ngayon sa Australia.

Sa kanyang IG page, nag-upload si Dhemy ng isang picture at isang TikTok video kung saan makikita screenshot ng post ni Devon na may caption na, “I’m doing great, sweetie.”

Ang nakasulat namang mensahe rito na mula kay Dhemy ay, “You are so fine like a diamond.”

Sinundan pa ito ng ipinost niyang news item tungkol sa isang ahas na nakapasok sa isang grocery store sa Sydney, Australia. Inilagay niya rito ang mga katagang, “Sydney Woolworths (snake emoji). OMG! Damn she’s everywhere (laughing emojis).”

Naniniwala ang mga netizens na may pinatatamaan ang kapatid ni Devon sa ipinost niyang “ahas” kahit wala itong binanggit na pangalan. Ang hula nila, baka raw patama ito kina Kiko at Heaven na ibinandera na nga kamakailan ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Bago ito, may hugot din ang sister ni Devon patungkol sa mga ahas. Ipinost niya ito noong kasagsagan ni Devon at ni Kiko noong March, 2021.

Ani Dhemy, “It says 2021 is YEAR OF THE OX. How the f*ck these (snake emoji) are dominating this year?”

Sa isa pa niyang hiwalay na IG Stories, makikita ang litrato ng isang napakagandang lugar na may caption na, “Doesn’t suit you.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag nina Kiko at Heaven hinggil sa issue.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending