Heaven nagsalita na sa isyu ng hiwalayang Devon at Kiko
Nagsalita na si Heaven Peralejo sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa napapabalitang paghihiwalay nina Devon Seron at Kiko Estrada.
May mga netizens na nag-aakusa kay Heaven na siya ang third party na sumira sa relasyon ng dalawa. Sina Heaven at Kiko ay kapwa bahagi ng Kapamilya drama series na “Bagong Umaga.”
“Associating me with actors I have scenes with can be easy. At the end of the day, we’re nothing more than just co-actors working with each other,” wika ni Heaven sa kanyang Instagram post.
“I should not have been dragged into the personal issue between Devon Seron and Kiko Estrada. However, I will not stay silent about it especially after being harshly accused of something I didn’t and would never do,” wika pa niya.
Umugong ang chismis na hiwalayan matapos na mag-post si Devon ng cryptic message sa Instagram noong Martes.
“I asked God for a sign but I witnessed it for myself,” wika ni Devon.
Kasabay nito ay nawala na ang mga photos na magkasama sina Kiko at Devon sa Instagram ng aktres. Nag-unfollow rin sila sa isa’t isa.
Pero sa akusasyon ng netizens na sangkot si Heaven sa isyung ito, malinaw ang sagot ng aktres.
“To set things straight, I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup,” wika niya.
Sinabi pa niya na batid niya kung gaano kasakit ang mga paghihiwalay, pero hindi aniya ito dahilan para ibaling sa ibang tao na hindi naman sangkot ang sisi.
“I do sincerely hope Kiko and Devon would heal from this,” wika ni Heaven.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.