Payo ni John Lapus sa mga youngstar para magtagal sa showbiz: ‘Maging professional at mabait, trabaho ito hindi gimmick’
“PROFESSIONALISM is key!” Yan ang isa sa mga payo ng comedian-director na si John “Sweet” Lapus sa lahat ng mga kabataang artista ngayon para magtagal sila sa showbiz industry.
Ayon kay Sweet, ang talagang nagtatagal at nabibigyan ng mga projects sa telebisyon at pelikula ay ang mga professional pero kailangan daw may kakambal din yan na “kabaitan.”
Nakachikahan namin kamakailan ang seasoned comedian na isa na ring direktor ngayon sa pamamagitan ng chat at natanong nga namin siya tungkol sa mga youngstars ngayon.
We asked him kung anu-ano ang pwede niyang ibigay na advice o tips sa mga kabataang artista ngayon para magtagal sa TV and movie industriya?
View this post on Instagram
Sabi ni Sweet, “Maging professional at mabait. Trabaho ito at hindi gimmick. Professionalism is key.
“Pero may mga professionals na hindi mabait sa co-actors at staff so nawawaley din. Kaya importante din ang maging mabait,” sabi pa ng direktor ng sitcom na “Jack And Jill Sa Diamond Hills” ng TV5 na nagsimula na last week mula sa APT Entertainment.
Paano naman niya hina-handle ang mga pasaway na artista bilang isang direktor? “Thank God, sinasali rin ng APT ang mga directors sa casting. Kaya nakakapili ako ng gusto ko kasi alam kong magaling at mabait.”
Baka Bet Mo: Hirit ni Heart: ‘I would never ever make taray on someone especially if he’s like a guard or server…’
Nang kumustahin naman namin ang kanyang lovelife at kung nakita na ba niya ang kanyang “the one”, sabi ni Direk Sweet, “Naku busy ako sa taping ng Jack And Jill at sa Season 2 ng Asian TV Awards nominee for Comedy na ‘Balita OneNan.’
View this post on Instagram
“This June na rin ang airing namin sa TV5 at Buko Channel sa Cignal Cable,” sey ng komedyante at direktor.
Bukod kina Jake Cuenca at Sue Ramirez, kasama rin sa cast ng “Jack and Jill” sina Gardo Versoza, Ara Mina, DJ Onse, Nana Silayro, Nico Antonio, DJ Jhai Ho at Hershey Neri.
Ito ang unang pagkakataong nagsama sina Jake at Sue sa isang comedy show kaya naman pareho silang excited sa panibagong challenge sa kanila dahil nga nasanay na sila sa pagdadrama.
Sabi ni Jake si Sue raw ang nagdadala talaga sa kanya sa programa, “Alam n’yo naman na nasanay ako sa drama at hindi ko ito comfort zone.
“Si Sue talaga ang nagdala ng show at nadadala niya lang ako. Nagre-react lang ako sa kanya. And for me, it’s like an answered prayer, itong magkaroon kami ng comedy show,” chika pa ni Jake.
John Lapus: Dasal ko kay Lord kapag namatay ako, one time, big time na lang
Bianca Lapus tinamaan na rin ng COVID: Sobrang hirap, ang sakit…nakakapraning
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.