Payo ni Noel Trinidad sa mga kabataang artista: 'Maging totoo lang kayo sa sarili n'yo...you cannot fake it!' | Bandera

Payo ni Noel Trinidad sa mga kabataang artista: ‘Maging totoo lang kayo sa sarili n’yo…you cannot fake it!’

Ervin Santiago - December 13, 2022 - 07:39 AM

Payo ni Noel Trinidad sa mga kabataang artista: 'Maging totoo lang kayo sa sarili n'yo...you cannot fake it!'

JC Santos, Liza Lorena, Noel Trinidad, Mylene Dizon at James Blanco

“MAGPAKATOTOO lang kayo!” Yan ang isa sa mga ibinigay na advice ng veteran actor na si Noel Trinidad para sa lahat ng mga baguhan at kabataang artista ngayon sa entertainment industry.

More than five decades na ang beteranong aktor sa mundo ng telebisyon at pelikula at hanggang ngayon nga ay aktibo pa rin siya sa pag-arte.

Sa nakaraang grand mediacon ng bago niyang pelikula, ang “Family Matters” na official entry ng Cineko Productions sa Metro Manila Film Festival 2022, nagbigay ang veteran star ng payo para sa mga young stars upang tumagal din sa showbiz.

“Actually, I don’t want to presume that I can give an advice to another actor.

“But if forced to answer, then I have to say, you have to be true to yourself. You cannot fake it! You cannot fake emotions. You cannot. Mahahalata, e.

“Sa mata lang, mahahalata na, e. So you have to be true to what you’re doing. And I guess that’s about all I can say.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by familymattersmovie (@familymattersmovie)


“And don’t fake it! Don’t fake it, mahahalata ka. Mahahalata ka. So you have to feel it. You have to really feel it and believe in what you are doing,” tuluy-tuloy ngunit garalgal na pahayag ng aktor.

Samantala, malaki ang posibilidad na ma-nominate si Noel sa pagka-best actor para sa “Family Matters” na isa nga sa napiling Magic 8 sa 48th MMFF.

Sa trailer pa lang kasi ng pelikula ay grabe na ang kanyang mga drama moments kasama ang iba pang cast members tulad nina Liza Lorena, Nonie Buencamino, Mylene Dizon, JC Santos at Nikki Valdez.

May mga nagkomento pa na sana’y tumagal pa ang kanyang buhay para marami pa siyang magawang makabuluhang pelikula at TV show.

“Oo naman at palagay ko naman, magtatagal pa ako nang kaunti. Although I must say, I always say ito na palagay ko ang last hurrah for me. And one reason is because of my hearing problem.

“But if this will be my last hurrah, then for me, it’s such a terrific honor to have this as my last hurrah!” aniya pa.

Samantala, nabanggit din ni Noel Trinidad ang mga kaibigan niya sa showbiz na namaalam na, “Two of my closest colleagues had passed on. I’m sure you know both of them.

“Subas. Subas Herrero. Parang kapatid ko yan, e. We’d been together for so many years. Sa Ateneo pa lang, magkasama na kami.

“Magkasama na kami sa mga plays, sa glee club et cetera, et cetera. And before he passed, nagkita pa kami. He used to live in the States.

“He’s one of the closest na nawala sa akin. The other one is Gary Lising who again I’ve known since high school,” aniya pa.

Sumakabilang-buhay si Subas Herrero noong 2013 na nakasama ni Noel sa gag show na “Champoy” habang si Gary Lising naman na naging regular comedian din sa “Champoy” ay namatay noong 2019.

“Hanggang ngayon, naiisip ko sila once a while. I think, ‘Ah, we did this before.’ ‘Ah, oo nga pala ganu’n.’ And it’s always a nice feeling to recall. In show business, they’re the two closest to me and I still remember the good times that we had.

“Even now I look back, and especially with Gary, pag naiisip ko si Gary, natatawa pa rin ako kahit na korni ang mga jokes niya but the way he delivers it, yun, yung dalawang yun basically,” pahayag pa ng veteran actor.

Noel Trinidad hirap na hirap nang makarinig; ilang beses ni-lips-to-lips si Liza Lorena sa presscon ng ‘Family Matters’

Pelikula nina Charo at Daniel wagi na naman ng international award; Maja, Empoy magaan katrabaho

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

YouTube star Camille sa lahat ng sumuporta matapos lokohin ni Jayzam: Nakakagaan po ng loob

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending