John Lapus gustong maidirek sina Eugene at Pokwang, wish makagawa ng dramang pangmalakasan: 'Yung hahagulgol talaga ang mga tao' | Bandera

John Lapus gustong maidirek sina Eugene at Pokwang, wish makagawa ng dramang pangmalakasan: ‘Yung hahagulgol talaga ang mga tao’

Ervin Santiago |May 13,2023
facebook
share this

John Lapus gustong maidirek sina Eugene at Pokwang, wish makagawa ng dramang pangmalakasan: ‘Yung hahagulgol talaga ang mga tao’

Ervin Santiago - May 13, 2023 - 08:56 AM

PERFECT sina Jake Cuenca at Sue Ramirez sa bagong sitcom ng TV5, ang “Jack And Jill Sa Diamond Hills” na magsisimula na ngayong Linggo, May 14.

Ayon kay John “Sweet” Lapus, ang direktor ng programa, hindi nagkamali ang mga bossing ng Kapatid Network na ipagkatiwala ito kina Jake at Sue dahil bagay na bagay nga sila sa kanilang mga roles.

Naka-chat namin si Sweet last Tuesday, May 9, at natanong namin how is it working with Jake and Sue, “Masaya since chika ko na sila pareho. Jake and I have the same handler in Star Magic (si Alan Real).

“Si Sue naman naka-work ko na on my first comedy series for APT, the Asian Academy Creative Awards nominee, ‘Boyfriend Number 13.’ Star Magic artist kaming tatlo.

“Given na sila as ‘Jack And Jill’ when the project was given to me. Tama naman kasi may rapport naman silang dalawa,” chika pa ng comedian-director.

Tungkol naman sa mga bagong challenge na na-experience ni Sweet sa ‘Jack And Jill’, “Well siyempre dapat iba since sitcoms are back. At dahil ‘Jacc And Jill’ nga ang title, may comparison sa iconic ‘Jack And Jill’ nina  Megastar Sharon Cuneta and Herbert Bautista and sa ginawa noon nina Mang Dolphy and Ms. Lolita Rodriguez.

Baka Bet Mo: John Lapus tumaas ang kilay kay Ronnie Liang ukol sa paggawa ng porn movies: So walang ‘self-respect’ ang gumagawa?

“Dito kasi, mag-partners sa police force sina Jake at Sue at need nila magpanggap na mag-asawa kahit hate nila ang isa’t isa. So, du’n iikot yung kuwento kaya marami silang mga nakakalokang ganap dito,” saad pa ni Sweet.

Paano naman niya sinisiguro na magkakaiba ang atake sa bawat project na kanyang ginagawa, o depende rin sa magiging takbo ng materyal?

“Ang maganda sa APT, kasama na ang director sa start ng scripting. So alam ko na kung saan magsisimula at saan matatapos ang story.

“They give us more the oppurtunity to create with them hindi lang mga writers at creative heads. Concious effort on my end to make sure na iba’t iba ang look, feels at textures ng mga dini-direct ko,” paliwanag ng seasoned comedian.

Samantala, natanong din namin siya kung sinu-sino pa ang gusto niyang makatrabaho sa kanyang future projects at kung gusto ring mag-try ng iba pang genre aside from comedy.

“Naku, marami (gustong maka-work). I want to direct my friends Eugene Domingo and Pokwang. I want to direct a drama na pangmalakasan. Yung hahagulgol ang mga tao.”

Sa presscon ng “Jack And Jill” kamakailan, super thankful naman sina Jake at Sue kay Direk Sweet dahil talagang ginagabayan sila sa bawat eksena. Anila, seryoso pero masayang katrabaho ang kanilang direktor at hindi raw ito marunong magalit.

Makakasama rin sa “Jack And Jill sa Diamond Hills” sina Ara Mina, Gardo Verzosa, Nico Antonio, DJ Onse, Nana Silayro, DJ Jhai Ho, at Hershey Neri.

Related Chika:

Sue Ramirez never mai-inlove kay Jake Cuenca: Sobrang kilalang-kilala ko na po siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Belle Mariano ipinagtanggol ni Jack Logan: ‘Maganda ka…wag mong intindihin yung feeling perfect na mukhang inarmirol na kokomban’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending