Lorna payag gumawa ng pelikulang may temang 'May-December affair' katambal si Piolo, game na game rin sa kissing scene | Bandera

Lorna payag gumawa ng pelikulang may temang ‘May-December affair’ katambal si Piolo, game na game rin sa kissing scene

Ervin Santiago |May 15,2023
facebook
share this

Lorna payag gumawa ng pelikulang may temang ‘May-December affair’ katambal si Piolo, game na game rin sa kissing scene

Ervin Santiago - May 15, 2023 - 07:07 AM

Lorna payag gumawa ng pelikulang may temang 'May-December affair' katambal si Piolo, game na game rin sa kissing scene

Piolo Pascual at Lorna Tolentino

GAME na game ang award-winning actress na si Lorna Tolentino na gumawa ng pelika na may temang May-December love story.

Wala raw problema sa kanya kung sakaling alukin siyang bumida sa isang proyekto kung saan mas batang aktor ang magiging ka-partner niya.

“Okay lang, depende na lang kasi lumang ano na yan, eh, yang May-December. Depende sa pagkakasulat,” ang pahayag ni LT nang makachikahan ng entertainment media sa presscon ng “FPJ’s Batang Quiapo” kamakailan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by lornatolentinof (@lornatolentinofernandez)


Natanong din si Lorna kung sino sa mga male stars ngayon ang gusto niyang maging leading man sa isang movie na may temang May-December affair.

“Si Papa P (Piolo Pascual), hindi ko pa siya nakatrabaho,” aniya. Katwiran niya kung bakit si Piolo ang gusto niyang makapareha, “Para kasing puwede akong makahabol sa edad niya kaya ko lang siya nabanggit.”

Baka Bet Mo: Charo, Lorna ipinagtanggol si Coco sa reklamo raw ng mga vendor sa Quiapo: ‘Iginalang ng produksyon ang lugar, welcome na welcome kami roon’

Dugtong pa ni LT, “Saka isa siya sa pinupuri ni Daboy (Rudy Fernandez, ang yumao niyang asawa) noong araw, kasi isa si Papa P na pag nakikita si Daboy, bumabati sa kanya. Si Coco sana sasabihin ko, pero dahil anak-anakan na, baka hindi na maniwala.

“Kung 20s, parang hindi naman yata possible sa ngayon, parang mas kinakagat nila yung kaunting difference lang,” ang chika pa ng premyadong aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by lornatolentinof (@lornatolentinofernandez)


Payag din daw siya sakaling magkaroon sila ng intimate scenes ni Piolo, “Kissing scene? Okay naman, kasi paano mo ipapakita yung katotohanan na nagmahalan kayo kung nandadaya pa tayo, di ba?”

Samantala, tungkol naman sa mga batang artista ngayon na hindi marunong bumati o rumespeto sa mga senior stars na tulad niya, dedma lang daw si LT sa mga ito.

“Ako kasi, pina-pass ko na lang yon kasi nga bago pa lang, hindi pa nila alam. Sa akin, kung ayaw niya, huwag. Live and let live. Parang binibigyan mo ng leeway kasi nga bago pa lang.

“Saka binibigyan ko ng leeway ang mga nagmamaldita kasi maldita din ako nung araw. Ang dami kong kamalditahan noon.

“Si Daboy lang ang nagturo na, ‘O, hindi dapat yan.’ Kaya nag-mellow ako. Parang dumarating talaga yung phase na yon, hindi mo maiiwasan,” paliwanag pa ng aktres.

Naitanong din kay Lorna kung pinapayuhan din niya ang co-star at direktor nila sa “Batang Quiapo” na si Coco Martin na una niyang nakatrabaho sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

“Ang lagi kong ina-advise kay Coco, huwag siyang magbabago kasi nag-start siya talaga na di siya maldito. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagbabago kasi napaka-down to earth pa rin niya,” sey ni Lorna.

Carmen Curtis-Smith super happy sa kanyang May-December affair, deadma sa bashers

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bela Padilla inatake ng matinding nerbiyos habang idinidirek si Lorna Tolentino: ‘Hindi ko lang ipinahahalata sa kanya’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending