BB Gandanghari pangarap makatrabaho si Daniel Padilla; type ring bumida sa 'May-December affair' na pelikula | Bandera

BB Gandanghari pangarap makatrabaho si Daniel Padilla; type ring bumida sa ‘May-December affair’ na pelikula

Ervin Santiago |January 05,2023
facebook
share this

BB Gandanghari pangarap makatrabaho si Daniel Padilla; type ring bumida sa ‘May-December affair’ na pelikula

Ervin Santiago - January 05, 2023 - 08:46 AM

BB Gandanghari pangarap makatrabaho si Daniel Padilla; type ring bumida sa 'May-December affair' na pelikula

BB Gandanghari

KUNG mabibigyan ng chance, gustung-gustong makasama ni BB Gandanghari sa isang teleserye o pelikula ang pamangkin niyang si Daniel Padilla.

Dream come true raw para sa kanya kung sakaling makatrabaho niya sa isang bonggang acting project ang boyfriend ni Kathryn Bernardo at sana raw ay mangyari ito habang nandito siya sa Pilipinas.

Umuwi ng bansa si BB para makasama ang kanyang pamilya nitong nagdaang holiday season, at talaga namang super worth it daw ang pagbabalik niya dahil finally ay naka-bonding niya uli ang kanyang inang si Mommy Eva Cariño at ang mga kapatid, kabilang na si Sen. Robin Padilla.

“What a comeback! I am very, very excited finally! After seven years, I was able to see my mom again, my brothers, and all of you guys.

“Alam niyo naman sa America, simpleng tao tayo sa doon and I am here again,” ang tuwang-tuwang pahayag ni BB Gandanghari nang nakapanayam ng ilang members ng entertainment press sa Gabi Ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2022 kung saan isa siya naging host.

Super happy and thankful daw ang kapatid ni Sen. Robin na nabigyan siya ng pagkakataon na makauwi sa Pilipinas makalipas ang ilang  taong pamamalagi sa Amerika.

Aniya, baka raw ma-extend nang ma-extend ang stay niya sa bansa dahil sa dami ng offer sa kanya na magbalik-showbiz, “I guess so. But you better do (expect more).

“Mayroong offer and hopefully matuloy lahat ‘yun, mayroon rin offer na pelikula, sana matuloy rin,” sey ni BB.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BB. Gandanghari (@gandangharibb)


“Actually ang plano ko talaga is bakasyon lang, but we’ll see,” chika ni BB.

Sa tanong kung sinu-sino sa mga kilala niyang artista ngayon ang nais niyang makasama sa kanyang comeback projects, “Oh a lot of them! Top of mind, actually alam mo gusto kong makatrabaho si Daniel (Padilla), e.”

“Sino ba ang bagay sa akin? Marami! Ha-hahaha! Pero, May-December affair na ito,” tumatawa pa niyang chika.

Samantala, happy din daw si BB na tanggap na tanggap na siya ngayon ng mga Filipino fans pati na rin ang iba pang miyembro ng LGBTQIA+ community.

“Kung napanood niyo ang vlog ko na nagpunta ako ng Binondo. Lumakad ako doon walang nambastos. Not even once and everyone is very welcoming and loving so I can’t really ask for more,” kuwento pa niya.

BB Gandanghari ibinandera ang kaseksihan: ‘Kabogera! Flawless pati singit talo pa tunay na babae!’

BB Gandanghari ganap nang US citizen, sey ni Ogie Diaz: Congratulations!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bwelta ni Ogie Diaz kay BB Gandanghari: Ini-expect ko naman na titirahin niya ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending