Carmen Curtis-Smith super happy sa kanyang May-December affair, deadma sa bashers
MUKHANG happy ngayon ang lagay ng puso ni Carmen Curtis-Smith, mommy nina Anne Curtis at Jasmine Curtis.
Makikitang proud na proud ang ginang na ibandera ang kanyang natagpuang pag-ibig na madalas niyang i-upload sa kanyang TikTok account.
Hindi naman itinatanggi ni Carmen ang agwat ng kanilang edad ng kasintahan at long distance rin ang kanilang relasyon. Maging sa mga ginagamit nitong hashtags ay aminado ito sa pagkakaroon ng May-December love affair.
Nasa 60s na kasi ang ina nina Anne at Jasmine samantalang nasa 40s naman ang kasintahan nito na nakilala bilang si Jayde Guzman Estudillo. Siya ay naka-base sa Australia habang si Jayde naman ay naka-base sa Dubai.
Ang tawagan o endearment rin nina Carmen at Jayde ay “my love” short for ML.
Noong Nobyembre 14, 2022 ay nag-post ang ginang ng TikTok video na sumasayaw kasama ang kanyang dyowa.
“Love is love with my love [TikTok account ng lalaki] #ML #maydecemberaffair #ldraustraliadubai,” sey ni Carmen.
Dagdag pa nito, “love conquers all”.
View this post on Instagram
Mukha ring nakilala na in person ng mga anak nitong sina Jasmine at Thomas ang kanyang kasintahan ayon na rin sa isang TikTok video na kanyang in-upload.
“A precious moments thank jas & jeff for the visit and off course my son thom. At last they met my Antarticaman [Jayde]” caption ni Carmen.
May hugot rin ang ginang sa isa pa niyang post kung saan sinabi nitong, “Love is love there is no age, gender, limits, boundaries, nor a perfect timing is just happen called love magic.”
Samantala, nang bisitahin namin ang TikTok account ni Carmen ay tila nawala na ang ilang posts nito na may kaugnayan sa kanyang lovelife ngunit nananatili pa rin namang matatag ang kanilang pagmamahal.
Related Chika:
Jasmine napaiyak sa video message ng ina; Alden totoong ‘in love’
Condo unit ni Jasmine ninakawan ng sindikato
Jasmine na-shock nang mapagkamalang nanay ni Anne
Bea ipapasok daw sa serye nina Alden at Jasmine; Gerald kinampihan ni RR Enriquez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.