Payo ni Aga sa mga anak: ‘Alagaan n’yo ang sarili n’yo, huwag kayong umasa sa magulang n’yo’
NAKATIKIM din pala ng palo at galit ang kambal na anak ng celebrity couple na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez noong bata pa ang mga ito.
Tulad ng mga ordinaryong bata, nakatikim din sina Atasha at Andres ng disiplinang hinding-hindi nila makakalimutan kaya naman lumaking marespeto at magalang ang mga ito.
Ayon kay Aga, talagang tinuruan nila ni Charlene na maging independent sa lahat ng bagay mula pa noong kanilang kabataan hanggang sa magkaroon na sila ng sariling mga isip.
Sa YouTube vlog ng broadcast journalist na si Karen Davila, sinabi ni Aga na mula nang maging tatay siya ay nag-iba na ang mga priorities niya sa buhay kasabay ng pagiging selfless.
“Before, the world revolved around me, what I wanted, what I liked. Nawala lahat ‘yun. It became all about my children, my family.
“I can just go to work now and know in my heart that my kids are okay, my wife is happy. I will work. I will make it quick and then I will go home,” lahad ng award-winning actor at dating matinee idol.
View this post on Instagram
Sang-ayon naman si Charlene sa mga sinabi ng kanyang asawa kasabay ng pagsasabing napakaswerte nila dahil nabigyan sila ni Aga ng sapat na panahon para makasama ang kanilang kambal habang lumalaki ang mga ito.
“I think that’s the best gift that we gave them. Their characters are already molded. Whatever opportunities that come into their life, or whatever destiny will happen to them, we just have to trust what God’s plans are,” sabi ng aktres at dating beauty queen.
Chika pa ni Aga, “Lumaki akong mag-isa. Lumaki akong ako nag-alaga sa sarili ko. So ang gusto ko sa mga anak ko, alagaan n’yo ang sarili n’yo, huwag kayong umasa sa magulang n’yo.
“Growing up alam na nila ‘yun, they had that experience, palo, galit. Alam na nila kung anong hindi dapat gawin,” sabi pa ni Aga.
Sa kasalukuyan ay tinatapos nina Atasha at Andres ang kanilang pag-aaral sa ibang bansa.
Nang matanong kung posible bang pasukin din ng kanyang mga anak ang mundo ng showbiz, sagot ni Aga, “It’s really up to them.
“Basta sa akin, finish school for you to experience independence. Maiintinidhan niyo ‘yung buhay na walang pera kapag nasa ibang bansa kayo, wala kayong driver, walang kasambahay, kayo ang gagawa lahat.
“Kung dito sila lalaki, spoiled sila sa bahay eh. Doon, ‘yung baon nila, naramdaman na nila na maubos yun. Nakita nila ‘yung halaga ng one dollar,” aniya pa.
Agree ba kayo…KC, 4 beauty queen kulang sa energy bilang host ng 2021 Miss Universe PH?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.