Agree ba kayo...KC, 4 beauty queen kulang sa energy bilang host ng 2021 Miss Universe PH? | Bandera

Agree ba kayo…KC, 4 beauty queen kulang sa energy bilang host ng 2021 Miss Universe PH?

Ervin Santiago |October 03,2021
facebook
share this

Agree ba kayo…KC, 4 beauty queen kulang sa energy bilang host ng 2021 Miss Universe PH?

Ervin Santiago - October 03, 2021 - 10:48 AM

AS expected, nakatikim na naman ng batikos si KC Montero dahil sa pagiging host ng Miss Universe Philippines 2021 grand coronation night kamakailan.

Bukod sa mga kandidatang agaw-eksena sa nasabing pageant, isa rin ang pangalan ni KC sa mga naging top trending topic sa Twitter dahil sa pangnenega sa kanya ng bashers.

Iisa ang reaksyon ng mga haters ni KC — wala raw kadating-dating ang pagho-host niya sa Miss Universe Philippines 2021 at parang hindi raw siya kumain nang ilang araw dahil sa kawalan ng energy nito.

Hindi lang ang hosting style ni KC ang pinuna ng mga netizens at pageant fans kundi pati na rin ang pagho-host ng Miss Universe Philippines 2020 titleholders na sina Maria Ysabella Ismael (first runner-up), Michele Gumabao (second runner-up), Pauline Amelinckx (third runner-up), at Billie Hakenson (fourth runner-up).

Sila ang naging backstage hosts ng nasabing pageant na ayon sa ilang nakapanood ay kinulang din sa energy.

Kasunod nito, tila nagpatutsada naman si KC sa mga pumuna sa kanya at nag-tweet ng, “How’s my energy? Charot.”

Sinundan pa niya ito ng, “Pageant fans can be the most supportive and meanest fans I’ve ever encountered.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na na-bash nang bonggang-bongga si KC bilang host ng beauty pageant. Last year nakatikim din ng mga negatibong reaksyon ang aktor nang i-host ang Miss Universe Philippines.

Na-turn off ang viewers sa kanya at inakusahang binastos daw ang kandidatang si Pauline Amelinckx sa question-and-answer portion.

Ito’y dahil sa edited video ng naging conversation nina KC at Pauline sa Q&A segment ng pageant na parang ipinahiya raw ng host ang beauty queen sa harap ng madlang pipol.

Nilinaw naman ng dalawa na wala itong katotohanan, edited na raw kasi ang video kaya hindi napanood nang buo ang kanilang chikahan kaya parang binastos ni KC ang dalaga.

Samantala, isa si KC sa mga celebrities na nagbigay ng positibong mensahe kay Kisses Delavin na nabigong naiuwi ang titulo at korona. Umabot naman ang dalaga sa Top 10 ng pageant.

Payo ni KC kay Kisses, kahit natalo huwag na huwag daw niyang isusuko ang pangarap na maging Miss Universe Philippines.

Sey ni KC sa kanyang tweet, “Kisses, I know how bad you wanted this. Don’t give up on your dreams.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinuri rin ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang performance ni Kisses sa pageant. Aniya sa kanyang Twitter post, Pia wrote, “Kisses blossomed into a woman right before our eyes. She nailed that styling! #MUPH2021Coronation.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending