Sinong GMA stars ang magho-host ng PBB Celeb Edition Collab?

Sino sa mga GMA star ang magho-host ng PBB Celebrity Edition Collab?

Ervin Santiago - January 29, 2025 - 09:43 AM

Sino sa mga GMA star ang magho-host ng PBB Celebrity Edition Collab?

Robi Domingo at Bianca Gonzalez

PAHULAAN pa kung sinu-sino sa mga Kapuso stars ang mapipiling host para sa inaabangang “Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab“.

Ito’y isa na namang bonggang collaboration ng ABS-CBN at GMA Network para sa 2025 na ngayon pa lang ay talagang pinag-uusapan na ng mga manonood.

Ang muling pagsasanib-pwersa ng dalawang higanteng network sa bansa ay bilang bahagi ng selebrasyon ng 20th anniversary ng “Pinoy Big Brother” this year.

Confirmed na ngang sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez ang magiging host ng bagong celebrity edition ng “PBB” mula sa ABS-CBN kaya ang hihintayin naman ay kung sino sa mga GMA stars ang makakasama nila bilang co-hosts.

Baka Bet Mo: SB19, Sandara Park pak na pak sa ginawang dance collaborations: ‘P-pop meets K-pop!’

Sa contract signing na ginanap kahapon, January 28, mismong  ang ABS-CBN Chief Operating Officer (COO) for Broadcast na si Cory Vidanes ang nag-announce na sina Robi at Bianca pa rin ang napili nilang mag-host ng pagbabalik ng “PBB.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by GMA Regional TV (@gmaregionaltv)


“With having said that, maraming-maraming salamat po. I think, confirmed na tayo,” ang reaksyon ni ni Robi sabay hirit ng, “Where do we sign as well?”

“But, of course, you’ll be joined by other hosts which we will announce,” ang sey naman sa kanya ni Cory Vidanes.

Sey ni Bianca, “Salamat! Confirmed na netizens sa mga haka-haka.”

Nauna rito, naibalita nga namin ang naramdamang pagka-shookt at excitement ng mga Kapuso at Kapamilya sa bonggang collab na ito.

For the first time nga kasi ay magko-collab ang dalawang network para ihandog sa mga Pinoy viewers ang panibagong celebrity edition ng “PBB”.

Ibinandera ni Big Brother na bubuksan muli ang pinto ng kanyang bahay para sa mga Kapamilya at Kapuso na bet maging housemates.

Magsasama-sama sa Bahay ni Kuya ang Star Magic at Sparkle artists ay mapapanood din ang programa sa GMA 7.

This is the very first time na ipalalabas sa Kapuso station ang “PBB” mula nang umere ang unang season ng reality show sa ABS-CBN noong August, 2005.

Narito ang official statement ng ABS-CBN tungkol sa bonggang collab nila ng GMA.

“Pinoy Big Brother marks its 20th anniversary with an exciting milestone as GMA Network and ABS-CBN collaborate for its newest season, ‘PBB Celebrity Edition Collab.’

“For the first time, PBB opens the doors of the iconic Bahay ni Kuya to welcome GMA Sparkle artists, alongside ABS-CBN’s Star Magic talents.

“Together, Kapuso and Kapamilya stars will collaborate and create unforgettable moments inside the PBB house.

“Maraming salamat, Kapuso and Kapamilya.”

Nauna nang nagkaroon ng kolaborasyon ang dalawang network noong 2023 para sa seryeng “Unbreak My Heart” na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Richard Yap at Gabbi Garcia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumunod dito ang pagpapalabas ng “It’s Showtime” sa GMA at GTV matapos mawala sa kanila ang “Eat Bulaga.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending