Charlene muling humataw sa pagsasayaw makalipas ang ilang taon, hirit ni Aga: 'You challenging me my love?' | Bandera

Charlene muling humataw sa pagsasayaw makalipas ang ilang taon, hirit ni Aga: ‘You challenging me my love?’

Reggee Bonoan - July 13, 2022 - 09:53 AM

Charlene Gonzales at Aga Muhlach

SOBRANG na-miss ni Charlene Gonzales-Muhlach ang pagsasayaw dahil ilang taon na rin siyang nahinto simula nang mag-asawa siya noong 2001.

Bago naman kasi nag-asawa si Mrs. Muhlach ay naging host siya ng dance program na “Eezy Dancing” sa TV5 noong 1997 hanggang 1998 at napunta sa ABS-CBN para naman sa “Keep on Dancing” mula 1998-2001.

Ang mga sumunod niyang regular hosting job nang maging mag-asawa na sila ni Aga ay ang “ASAP,” “Feel at Home with Charlene”, “At Home ka Dito” at “The Buzz.”

Sa mga panahong wala siya sa harap ng camera ay nag-concentrate siya sa pag-aalaga sa  kanyang mag-aama at nang tumuntong na ng kolehiyo ang kambal nila ni Aga na sina Atasha at Andres at nag-aral sa ibang bansa ay hindi rin naman siya masyadong nainip dahil nakakasama niya ang kanyang love of her life sa paglalaro ng golf.

View this post on Instagram

A post shared by Charlene Gonzalez-Muhlach (@itsmecharleneg)


Samantala, nag-post si Charlene kamakailan na muli siyang sumayaw sa awiting “Can’t Take My Eye Off You.”

Ang caption ni Charlene, “(dancer emoji) Have not danced in years. It was such a pleasure to do an impromptu dance & reunite with my dance partner from Eezy dancing & Keep on dancing, Albert Dimarucut.

“So much fun memories I miss dancing, my VIP family & Maribeth Bichara. Who taught me everything I know about dancing,” aniya pa.

Kasama ni Charlene sina Atasha at Andres at masaya niyang ibinalita na unang beses siyang napanood ng kambal na sumayaw.

“Just sharing my happiness with you all. Keep on Dancing everyone.  Much love always,” sabi pa ng misis ni Aga.

Nagkomento naman ang guwapong hubby ni Charlene ng, “Yaaaaz!!!!!! you challenging me my love??? Hahahaha.”

King of the dance floor din naman kasi si Aga noon kaya ito ang nasambit niya pero sa pagkakatanda namin ay tila walang naging production number ang aktor kasama si Charlene sa mga naging programa niyang “Eezy Dancing” at “Keep on Dancing.”

Ang alam namin ay engaged na ang dalawa nang mag-guest si Aga sa “KOD” bago sila ikasal para sa birthday celebration ni Charlene sa show kung saan siya ang nag-introduce, “my wife to be” para sa production number nito kasama si Mommy Elvie Gonzales.

Twenty-one years nang kasal sina Aga at Charlene noong Mayo 28 at maayos pa rin ang kanilang pagsasama at patuloy na nagsusuportahan sa isa’t isa.

Excited din ang aktor para sa nalalapit niyang movie series na mapapanood sa TV5, ang “Suntok sa Buwan” kasama sina Elijah Canlas at Maris Racal produced ng Project 8 at Cignal na mapapanood na sa Hulyo 18.

https://bandera.inquirer.net/302787/aga-charlene-nagpositibo-sa-covid-habang-nagbabakasyon-sa-us-praying-for-complete-healing

https://bandera.inquirer.net/302676/anak-nina-aga-at-charlene-na-si-atasha-pak-na-pak-maging-miss-universe

https://bandera.inquirer.net/307254/aga-sa-kambal-nila-ni-charlene-paglaki-ng-mga-iyan-mag-aasawa-iiwan-din-tayo-magpapamilya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending