Chinese New Year 2025: ChiKapalaran sa Year of the Wood Snake
GONG Xi Fa Cai, mga Ka-Bandera! Panibagong taon na naman ang ating sasalubungin base sa Feng Shui astrology na pormal na magsisimula sa Feb 3, 2025 at ngayong araw naman ang selebrasyon ng Chinese New Year.
Ano nga kaya ang hatid sa atin ng Year of the Wood Snake? Gora, alamin natin!
Year Of The Snake (1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013, 2025)
Kahit ngayon ang taon mo ay hindi pa rin talaga maiiwasan ang mga problemang kakaharapin mo. Mag-ingat pa rin sa mga taong nakapaligid sa ‘yo at huwag magpapadala sa pressure.
May mga mate-test na relasyon, mapa-kaibigan, pamilya, o mg taong malalapit sa ‘yo, desisyon mo kung pipiliin mong iwan sila at lumayo o ayusin ang problema.
LOVE: Kung sa tingin mo ay parang so-so lang ang relasyon mo ng iyong partner, oras na para mag-effort! Muling painitin ang pagmamahalan! Harapin ang mga problema at i-assess para ito’y mabigyang solusyon. Di tayo makikipag-break this year!
CAREER: It’s time para mas marami pang matutunan sa buhay dahil knowledge is power. Hanap ka ng tao na maaaring maging guide mo sa panibagong journey mo. Pero hinay lang dahil hindi magandang mag-take masyado ng risks this year. I guess walang magse-send ng resignation letter this year. Focus muna sa kung saan ka magaling at pagyamanin ito.
HEALTH: Huwag kang masyadong magpapagod. Maging mabait sa sarili. Choose yourself. Magbakasyon. I-book mo na. This is your sign.
Year Of The Horse (1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014)
Bonggang opportunities ang hatid ng 2025. Ang tanong, ready ka na ba sa next level? Kung yes, go go go! Dahil kung pipiliin mong manatili kung nasaan ka, mapag-iiwanan ka. Jump! Take that leap of faith. Ilaban mo para sa kinabukasan!
LOVE: Mindset lang para sa masayang love life! Kung gusto mong maging panatag ang buhay pag-ibig, be open and communicate your feelings well. Sabi nga sa golden rule, do not do unto others what you don’t want to do unto you.
CAREER: Isang mabigat na desisyon ang gagawin mo this year. You’ll be torn sa mga nakahaing choices sa ‘yo kaya dapat pag-isipang mabuti. Need mo ng reinforcement. This calls for a meeting with your trusted barkada at i-ready ang powerpoint presentation para matulungan ka nilang mamili.
HEALTH: May mga bagay kang hindi na mababago pero nasa palad mo ang kung paano ito i-control, health wise. Hindi ka nag-iisa. Alagaan ang sarili at maging open sa mga malalapit sa ‘yo para sa suporta. Malalagpasan mo ito. Baguhin ang hindi magandang nakasanayan.
Year Of The Goat (1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015)
It’s either you grab the opportunities or lose the chance to make things happen. Kaya grind pa sa buhay para ma-achieve ang goals at huwag papadala sa takot.
LOVE: Susubukin ang relasyon n’yo ngayon. Focus sa goal kasi if not, may chance na maging single ka this year. Choose your battle.
CAREER: Hindi naman mawawala ang stress sa work kaya mapapatanong ka na naman sa self mo kung dapat ka pa bang mag-stay. Basta ang payo ko sa ‘yo, may hiring sa kabilang company, i-try mo.
HEALTH: Hindi maiiwasan ang mga pakaba sa kalusugan. Harapin mo. May strong support system ka. Magpa-check up kasi. Togas ng ulo.
Year Of The Monkey (1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016)
Huwag mong takasan ang problema. You are better than this. I-assess mo ang sitwasyon at huwag magpapadalos-dalos. Fact check muna bago dada.
LOVE: Be only dahil communication is the key. Huwag magsisinungaling dahil dyan magsisimula ang away at mapapayaya ka na lang talaga ng inuman.
CAREER: Wala namang bagay na hindi napagtatagumpayan pero huwag idaan sa ‘di magandang paraan. Kung pakiramdam mo ay hindi na talaga worth it, next chapter na. Basta dapat intact pa rin ang values. Don’t burn bridges.
HEALTH: Alagaan ang sarili. Mapapalitan ka ng boss mo pero isa lang ang hiram na buhay kay Lord. Pakinggan mo ang katawan mo or haharap ka kay San Pedro. Libre ang health card ng company, gamitin mo.
Baka Bet Mo: 2025 Year of The Wood Snake: Swerte ka ba sa love, pera, health at career?
View this post on Instagram
Year Of The Rooster (1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017)
Bagong taon, bagong pagkakataon. Go at umalis na sa comfort zone. Huwag matakot magkamali. It’s either you win or you learn. Parte ng paglaki ang pagkakamali. Kaya mo ito.
LOVE: Platonic man o romantic, huwag masyadong all in. Sabi nga nila, dapat pantay. Ibalik mo ang energy na ibinibigay sa ‘yo. Don’t settle sa bare minimum.
CAREER: This is your year. Kahit gaano pa ka-stressful ang trabaho, it will be worth it. Trust the process.
HEALTH: Ay, di ka madalas makakakita ng doktor at botika this year. Basta relax lang, iwasan ang mag-overthink.
Year Of The Dog (1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018)
Huwag nang makinig sa opinyon ng iba unless may ambag sila sa buhay mo. Basta alam mong nasa tama ka, go lang. Ikaw ang mas may kilala sa sarili mo.
LOVE: Be honest lang and manage your expectations. Also, maging maingat. May mga pagsubok na ite-test ka, maging matalino kung go pa or tama na.
CAREER: May mga bagong problema s trabaho dahil nalilimitahan ka. It’s time para mag-apply at piliin kung saan ka mas magiging masaya. Kung ayaw mo na sa boss mo, baka oras na para ilaw ang maging boss. Basta para sa goals, go!
HEALTH: Hindi mawawala ang stress at anxiety dahil sa mga “what ifs”. Pakinggan mong maigi ang katawan mo. Huwag lalagpas sa limit kung ayaw mong pumunta sa langit.
Year Of The Pig (1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019)
May mga pagkakataon na feeling mo stuck ka sa sitwasyonHueag magpadalos-dalos. Good things take time at parte ng buhay ang pagkakamali. Basta, one step at a time lang.
LOVE: Susubukin ang relasyon n’yo ng partner mo. Huwag masyadong magpaniwala sa mga movies na napapanood mo. Focus on your pwn reality or else, nasa dating app ka na naman.
CAREER: Basta trabaho lang para sa goals. Mahirap ang daan pero mas mahirap kung tutunganga ka lang. Darating rin ang moment mo. Be proud. Malayo na pero malayo pa.
HEALTH: Change your bad habits at alagaan na ang sarili. Let go na ang mga bawal at masama sa katawan. Hindi ka na bumabata.
Year Of The Rat (1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020)
Hindi palaging lugmok ang buhay. Laging tandaan na may bagong araw. Huwag mong hayaan na kainin ka ng mga negatibong enerhiya. Focus tayo sa positive side.
LOVE: Infairness, masaya ang love life. Huwag lang masyadong papalamon sa overthinking para everybody happy.
CAREER: May mga unexpected challenges na paparating pero don’t panic. Isiping mabuti ang solusyon sa problema para iwas diskusyon.
HEALTH: Love ka ng universe dahil maayos ang takbo ng kalusugan mo this year. Basta maintain lang kung anong ginagawa mo. Laging pangalagaan ang sarili.
Baka Bet Mo: WATCH, NOW NA: Alamin ang mga pampaswerte tuwing Chinese New Year
Year Of The Ox (1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009, 2021)
Mapagtatagumpayan mo lahat ng hamon sa buhay bgayong taon. Set hour goals. Prove them wrong. Huwag papadala sa pressure.
LOVE: Huwag matakot mawala ang taong magal mo. Darating ang taong mas better ang treatment sa ‘yo. Hindi mo na mababago ang tao lalo na kung hindi na ikaw ang gusto. Let go.
CAREER: Piliin kung saan ka masaya. Mag-ingat sa mga taong nakapaligid at huwag magpapmanipula. Kapag suspicious ang galaw, layo na agad.
HEALTH: Make a routine and stick to it. Focus sa health and wellness. Sayang ang gym membership kung puro ka lang mirror selfie tapos samgyup after.
Year Of The Tiger (1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010, 2022)
Hindi ganon kaganda ang pasok ng taon dahil may mga mabibigat na sitwasyon kang haharapin. Pakinggang maigi ang nais iparating ng universe. Huwag susuko sa buhay. Dadaloy rin ang ginhawa. Kapit. Growth and healing.
LOVE: Kung gusto ng totoo, magpakatotoo. Huwag makipaglaro sa feelings ng iba. State your intention and mean it.
CAREER: May mga bagay tayong hindi makukuha this year but it doesn’t mean na talunan ka. Hindi lang ito ng oras mo. Work lang nang work, sa susunod ikaw naman ang papalakpakan.
HEALTH: Give yourself some time to heal. Sayang ang leave credits. Hindi naman convertible to cash. Gamitin mo.
Year Of The Rabbit (1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011, 2023)
Commit to your goals. Give your 100%. Basta sipag ay tiyaga lang, makakamit mo rin ang deserve mo. Hard work pays off.
LOVE: Di ka swerte sa love this year kung naghahanap ka pero if nasa ‘yo na si the one, huwag kang pakampante. Be more appreciative.
CAREER: Overwhelmed? Daming work. Take a break. If not, ‘di mo gugustuhing basahin ang health forecast mo.
HEALTH: Oh, matigas ulo? Magbakasyon ka. Relax and unwind. Kasi kapag nainis sa ‘yo katawan mo, sa ospital ang staycation mo. Ikaw rin.
Year Of The Dragon (1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024)
Kung pakiramdam mo, kulang pa baka kailangan mo pang dagdagan. Ipaalala sa sarili na hindi sukatan sng materyal na bagay para sabihing successful ka. Gawin mo kung saan ka masaya.
LOVE: Now is the best time for love. Go. Lumandi. I-swipe right si Mr. o Ms. Right.
CAREER and WEALTH: Huwag matakot. Alisin ang negativity. Kayang kaya mo ang mga problema basta huwag paodala sa inggit. Paniwalaan ang sarili, darating rin ang inaasam na salary increase.
HEALTH: Oops, bawal ang mag-overwork. Awa na lang kay self. Ayaw natin ng maraming reseta this year.
Ayan na, ka-Bandera! Swerte ba o need sipagan this 2025? It’s hour call.
Tandaan na ito’y mga gabay lamang at nasa palad mo pa rin ang desisyon para sa mas masaya at masaganang taon. Happy Chinese New Year!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.