Road closure sa Maynila ngayong Chinese New Year

Road closure sa Maynila ngayong Chinese New Year

Therese Arceo - January 28, 2025 - 04:49 PM

Road closure sa Maynila ngayong Chinese New Year

MAGSASAGAWA ng road closure sa ilang kalsada sa Maynila ang mga awtoridad para bigyang daan ang pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong Miyerkules, January 29.

Ayon sa inilabas na anunsyo ng Manila Police District-Public Information Office (MPD-PIO), sisimulan ang pagsasara ng ilang kalsada mula 9:00PM ng Martes ng gabi, January 28.

Kabilang sa road closures ang kahabaan ng Quintin Paredes mula P. Burgos Avenue hanggang Dasmarinas St., Jones Bridge, Plaza Cervantes, pati na rin ang Binondo-Intramuros Bridge.

Magpapatupad rin ng traffic rerouting scheme uoang maiwasan ang pagkakaroon ng mabigay na daloy ng trapiko sa Maynila.

Baka Bet Mo: WATCH, NOW NA: Alamin ang mga pampaswerte tuwing Chinese New Year

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pinayuhan rin ng mga otoridad ang mga motorista na magmumula sa Reina Regente St. na dadaan sa Juan Luna St. at gagamit ng southbound lane ng Jones Bridge, na kumaliwa sa Plaza Lorenzo Ruiz, kumanan sa Noberto Ty, kumanan sa Yuchengco St., at kumaliwa sa Ongpin hanggang sa kani-kanilang point of destination.

Ang mga manggagaling naman sa P. Burgos Avenue/Taft Avenue na gustong gumamit ng Jones Bridge ay maaaring dumiretso sa McArthur Bridge o Quezon Bridge hanggang sa kanilang point of destination.

Ang mga manggagaling naman sa Plaza Sta. Cruz at dadaan ng Dasmariñas St. ay inaabisuhang kumanan sa Quintin Paredes St. hanggang sa kani-kanilang destinasyon.

Ang mga magmumula naman sa Magallanes Drive papuntang Binondo-Intramuros Bridge ay puwedeng dumiretso sa A. Soriano Avenue hanggang sa Anda Circle papunta sa kanilang destinasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga motorista namang mula sa Muelle dela Industria papuntang Binondo-Intramuros Bridge ay maaaring dumaan sa Madrid St., kanan sa San Fernando St., patungong Plaza San Ruiz, kaliwa sa Q. Paredes St., kanan sa Noberto Ty St., kanan sa Yuchengco at pakaliwa sa Ongpin patungo sa kanilang destinasyon.

Ayon sa MPD-PIO, ang pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada ay base sa aktuwal na sitwasyon ng trapiko sa lugar.

Sinabi naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsuspinde sa number coding scheme kasabay mg selebrasyon ng Chinese New Year sa Miyerkules, January 29, 2025.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending