Sikat na female star nakipaghiwalay sa dyowang aktor dahil hindi sila magkasundo sa maraming bagay: 'Medyo slow kasi yung guy' | Bandera

Sikat na female star nakipaghiwalay sa dyowang aktor dahil hindi sila magkasundo sa maraming bagay: ‘Medyo slow kasi yung guy’

Reggee Bonoan |May 04,2023
facebook
share this

Sikat na female star nakipaghiwalay sa dyowang aktor dahil hindi sila magkasundo sa maraming bagay: ‘Medyo slow kasi yung guy’

Reggee Bonoan - May 04, 2023 - 07:30 PM

Sikat na female star nakipaghiwalay sa dyowang aktor dahil hindi sila magkasundo sa maraming bagay: 'Medyo slow kasi yung guy'

Guess, guess who!? Ma-gest n’yo kaya kung sino sila?

NA-REVEAL ng taong malapit sa isang aktres na kaya siya nakipaghiwalay sa guwapong boyfriend ay dahil hindi sila magkasundo sa maraming bagay hanggang sa na-fall out of love na nga.

Sobrang in-love sa isa’t isa ang aktor at aktres noon na akala mo ay hindi na maghihiwalay dahil talagang PDA (public display of affection) sila at boto rin naman ang kani-kanilang pamilya sa relasyon nila.

“Nu’ng una ay petty quarrels lang kasi si guy malilimutin o kaya hindi paying attention, e, si girl naman sobrang seryosong tao na kapag may sinabi siya dapat may sagot at result na, e, si guy medyo mabagal.

“Saka hindi sila magka-wavelength, so, ang lola mo had to explain pa kay guy, e, hanggang kailan? Lalo na kung parehong pagod, nagsasalubong.

“Though si guy naman ay sobrang gentleman, e, si lola mo naman napagod, parang naisip niya hanggang kailan siya magtitiis sa ganu’ng set-up?

Baka Bet Mo: Kilalang aktres pinagbawalang magkuwento tungkol sa negosyanteng dyowa

“Hanggang nagsabi ang lola mo na ‘wag muna silang magkita at mag-usap for less than a month and it worked for her, natiiis niyang wala at all at naramdaman niya na nag-fade na yung love,” tuluy-tuloy na kuwento ng aming kausap.

Sabi pa sa amin, “Si guy naman sobrang nasaktan. Actually, nasaktan din naman ang lola mo nu’ng makipag-break siya, kaya kahit wala na sila nag-uusap at inaalalayan nila ang isa’t isa hanggang sa naging okay na rin at naka-move on na,” mahabang kuwento ng taong malapit sa aktres.

Malaking balita nu’ng naghiwalay ang dalawa dahil may ibang taong sinasabing dahilan kaya sila naghiwalay.

“Nope, not true! But since iyon ang pinaniniwalaan ng iba, e, di tahimik na lang ‘yung dalawa pero hindi ganu’n ang nangyari,” sangga ng aming kausap.

Sa kasalukuyan ay parehong may kani-kanilang karelasyon na sina aktres at aktor na taga-showbiz din.

Sitsit naman ng isa pang kaibigan ng aktres, “Baka last na ni ____ (aktres) ‘tong dyowa niya ngayon.”

Tungkol naman kay aktor, “Parang malabong sabihing last na niya ‘tong girlfriend niya kasi parang mas focus siya sa career niya.”

Civil ang ex-couple kapag aksidenteng nagkikita sa events dahil nagbebeso pa sa isa’t isa kahit kasama nila ang kani-kanilang significant other.

Derek nakipaghiwalay kay Andrea sa telepono: May problemang nangyari na nagbigay sa akin ng sign

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pelikula ng baguhang aktor hindi maipalabas; direktor, produ hindi magkasundo sa editing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending