Alden, Carlo tablado kay Maine: Si Arjo ang pinakaguwapong lalaki sa mundo! | Bandera

Alden, Carlo tablado kay Maine: Si Arjo ang pinakaguwapong lalaki sa mundo!

Jun Nardo - October 09, 2019 - 01:05 AM

CARLO AQUINO AT MAINE MENDOZA

NAG-REPLY si Jake Cuenca sa isang tweet ni Maine Mendoza tungkol sa pagsasama nila sa pelikulang “Mission: Unstapabol”, isa sa mga official entry sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Inalala ni Meng sa isa niyang tweet nine years ago na kinikilig siya kapag nakikita si Jake. ‘Yun nga lang, hindi pa masyadong mabenta ang Twitter noon kaya tatlo lang ang nag-reply sa kanya.

Tugon ni Jake sa tweet ng Dubsmash Queen, “It’s a pleasure working with you @mainedcm. Laging masaya sa set natin.”

Komento ng ilang netizen, effective na naman ang magic ni Meng dahil nagkaroon ng renewed charm ang appeal ng aktor, huh!

Samantala, humarap si Meng kay Boy Abunda at ipinalabas last Monday ang guesting niya sa talkshow nito kasama si Carlo Aquino.

Sa kanyang Instagram stories, inamin niyang hindi siya makapaniwalang makakaharap niya sa interview si Boy.

Bago ang pag-ere, tweet niya, “Surreal. Never ever thought I’d have the opportunity to be here. – EVER.
“Achievement unlocked maexperience ang fast talk ni Tito Boy ahhhhhh. Mamayang gabi na to, guys!”

Natanong din si Meng tungkol sa boyfriend niyang si Arjo Atayde. Kung siya ang papipiliin, sino kina Arjo, Carlo at Alden Richards ang pinakaguwapo, siyempre ang kanyang boyfriend ang pinili niya.

Malaking bahagi rin daw si Arjo sa nararamdaman niyang happiness ngayon. At sa tanong kung ano ang isasagot niya kapag nag-propose si Arjo “on the last night of the world,” isang big YES ang sagot ni Maine.

Tumanggi namang mamili ang TV host-actress kung ano ang mas gusto niya, “sex or chocolates.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending