Nadine sa mga nai-in love sa kanilang bestfriend, aaminin ba: Kung feeling mo interesado siya sa 'yo, go ahead pero kung hindi, not a good idea' | Bandera

Nadine sa mga nai-in love sa kanilang bestfriend, aaminin ba: Kung feeling mo interesado siya sa ‘yo, go ahead pero kung hindi, not a good idea’

Ervin Santiago - April 03, 2023 - 06:58 AM

Payo ni Nadine sa mga nai-in love sa kanilang bestfriend: Kung feeling mo interesado siya sa 'yo, go ahead pero kung hindi, not a good idea'

Nadine Lustre

NAGPAKA-LOVE guru ang award-winning actress na si Nadine Lustre sa pagsagot niya sa mga tanong na may kaugnayan sa mga love problems na karaniwang pinagdaraanan ng mga Pinoy.

Sinagot ni Nadine ang ilang katanungan tungkol sa iba’t ibang topic sa pakikipagrelasyon, kabilang na riyan ang isyu kapag na-in love at na-fall ka sa iyong kaibigan.

Isa sa mga common question na sinagot ni Nadine about love ay ang tanong ng karamihan na, “I’ve been crushing on my friend for a long time na. Do I confess? Or wag na baka mawala ‘yung friendship?”

Sagot ng aktres sa isang video ng Cosmopolitan Philippines, “It could go both ways. I say wait a bit and kind of feel the whole situation and if you see him or her showing interest in you and then go ahead and try it.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


“But if not naman, maybe it is not a good idea,” ang payo pa ng dalaga na sguradong maraming naka-relate.

Isa pa sa sinagot ni Nadine ay ang isyu kung dapat bang naghahati ang mga magdyowa sa pagbabayad ng bill kapag nagde-date, lalo na kung hindi pa kasal.

Baka Bet Mo: Pa-hashtag na ‘talong’ ni Maggie Wilson ikinaloka ng netizens: ‘Kulang na kulang pang-torta yarn!’

“Palagi po akong nagbabayad when we go out on dates. How should I tell my partner to shoulder some of the expenses as well?” ang tanong ng isang netizen sa aktres.

Sagot ni Nadine, “This shouldn’t be difficult for you to be honest. I’m sure your partner would be willing to share as well.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


“Me din if I’m on a date, kunwari it’s my partner who pays for the dinner tonight, or today, but then the next time I will make sure na I pay for it naman para salitan naman kami,” sey pa ng aktres.

Dugtong pa niya, “Parang kailangan yun sa inyong dalawa. It can’t be ikaw lang palagi. Your partner has to be willing din to offer of course. Dalawa naman kayong nagbe-benefit dito, dapat nagse-share di  ba?”

Sa lahat naman ng mga magkarelasyon na nasa long distance relationship o LDR, ipinagdiinan ni Nadine na “communication is key.”

“Communication is really important, you know, if you have down time and your partner has down time as well, spend time with each other.

“Watch a movie together, have a sit-down chat when you are not doing anything, and ask your partner how their day went, all that stuff. Kwento, chismisan, because communication goes a long way,” aniya.

“It works wonders and the thing is because you’re far away from this person, this person doesn’t really see you and how you’re living your life and it’s good to share that,” hirit pa niya.

Romnick Sarmenta may hugot tungkol sa ‘payaso sa Palasyo’, patama nga ba kay Pangulong Bongbong?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine inasar ng hater sa pagkatalo ni VP Leni: I have no regrets…and will forever stand by it

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending