Nadine inasar ng hater sa pagkatalo ni VP Leni: I have no regrets...and will forever stand by it | Bandera

Nadine inasar ng hater sa pagkatalo ni VP Leni: I have no regrets…and will forever stand by it

Ervin Santiago - May 14, 2022 - 08:28 AM

Leni Robredo at Nadine Lustre

PINATULAN ng actress-singer na si Nadine Lustre ang isang basher na nang-asar sa kanya matapos matalo sa Halalan 2022 ang inendorso niyang si Vice President Leni Robredo.

Hindi pinalampas ni Nadine ang patutsada ng isang netizen tungkol sa pagkatalo ni VP Leni kay dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos na nangunguna pa rin ngayon sa bilangan matapos ang May 9, 2022 elections.

Hindi kasi nagustuhan ng ex-girlfriend ni James Reid ang tweet ng hater na “I told you so,” na tumutukoy nga sa lantarang pagsuporta sa presidential candidate na si VP Leni at sa running mate nitong s Sen. Kiko Pangilinan.

“I hate to say that, ‘I told you so.’ When it comes to acting I’m a fan totally. You can read all my posts. You’re less experienced to test political water,” ang sabi ng netizen kay Nadine.

Sinagot naman ito ng Viva artist ng, “Thanks! But, ‘I told you so’? I don’t even know you.”

Hindi pa rin nagpatinag ang hater at muling bumanat ng  “It’s not about Leni or BBM. It’s about politicizing your career.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


“Thanks for responding anyway, now you know me. I was with your producer in your NY concert,” sabi pa ng nang-okray kay Nadine.

Bwelta uli sa kanya ng award-winning actress, “I have no regrets. I made that decision and will forever stand by it.

“Thanks producing our show but doesn’t change the fact that your ‘I told you so’ was very uncalled for,” sabi pa ng dalaga.

Isang Twitter user naman ang nagsumbong kay Nadine at sinabing ang netizen na nakasagutan nito ay hindi ang producer ng show niya sa Amerika kundi nakasama lamang nito.

Kaya naman muling nag-tweet ang aktres laban sa kanyang basher ng, “The nerve of this person.”

Isa lamang si Nadine sa napakaraming celebrities na hayagang nagpakita ng suporta sa kandidatura ni VP Leni ngunit mukhang mabibigo nga ang bise presidente sa hangarin niyang makapaglingkod sa sambayanang Filipino bilang Pangulo.

Sa isa niyang social media post ipinagdiinan ni Nadine na, “Lahat naman tayo gusto ng tahimik na buhay ‘di ba? Kaya ako, tataya ako sa best person who can give us that.

“Mga kababayan, this is president Nadine confidently saying: c’mon guys, it’s 2022. At walang mas qualified na maging susunod na presidente kundi si president Leni Robredo,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/311310/kim-chiu-naiyak-sa-mensahe-ni-leni-robredo-made-my-birthday-complete

https://bandera.inquirer.net/302862/basher-kay-heart-kung-may-makita-akong-picture-niya-na-hindi-scripted-tatakbo-akong-hubad-sa-buong-barangay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/307124/carlo-aquino-curious-sa-pagiging-troll-mukhang-maganda-bigayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending